Ipinagdiwang ng asawa ni Andrew Schimmer na si Jorhomy “Jho” Rovero ang kaarawan nito kahapon, July 11, 2022.
Ngunit patuloy pa ring nakaratay sa banig ng karamdaman si Jho.
Mensahe ni Andrew sa asawa sa pamamagitan ng Instagram: “Happy happy Birthday my Love.
“Words are not enough to Express how I feel for you my dear. I Love you with all my heart and strength.”
May severe hypoxemia ang misis ni Andrew na naka-confine sa intensive care unit (ICU) ng St. Luke’s Medical Center sa Bonifacio Global City, Taguig City, mula pa noong November 2021.
Ayon pa kay Andrew, patuloy lamang maniwala sa Diyos ang kanyang kabiyak na gagaling ito mula sa nararanasang karamdaman.
Umaasa rin ang aktor na maririnig na niya si Jho na muling tumawa kaya hinikayat niya itong lumaban pa.
Nangako naman siyang hindi niya ito iiwan kahit anuman ang mangyari.
Saad pa ni Andrew, “Wag kapong maiinip, alam ng panginoon lahat, nakikita nya lahat ng paghihirap mo [crying, praying hands emojis] promseee someday you will smile again...
“I will hear you laugh again, so please, fight more. Don't give up yet. I will always have your back, no matter what. Dito lang po ang dadi sa tabi mo forever, we will fight and win this battle together.”
Nobyembre noong nakaraang taon, isinapubliko ni Andrew ang kalagayan ng asawa dahil sa lumulobong hospital bills nila.
Nagsumamo siya ng tulong kahit magkano mula sa mga netizens, kaibigan, kakilala, at mga kasamahan sa showbiz.
Read: Andrew Schimmer seeks financial help for wife's hospital bills
Nitong nakaraang June 22, 2022, nagbigay ng update si Andrew sa kalagayan ng asawa sa pamamagitan ng kanyang TikTok account.
Nangangailangan daw ang asawa ng panibagong tests dahil mataas ang lagnat nito.
Kuwento ng aktor, "She's very stable naman at the moment, as you can see. Napakasarap ng kanyang tulog. Mahimbing na mahimbing.
"Ang pinakaproblema lang is nagre-occur yung kanyang fever. Nilalagnat siya ulit ng 38.4 kagabi.
"Kaya minomonitor ulit namin siya ng matindi kasi baka tumaas na naman yung fever niya, mag-seizures naman siya. Kaya talagang nakabantay kaming maigi sa kanya.
"So ang gagawin nila, uulitin nila yung mga test na ginawa sa kanya, just to make sure kung ano yung nangyayari sa loob ng katawan niya, kung bakit siya nilalagnat ulit.
"So magyu-urine alaysis ulit sila, magsi-CBC, saka magko-conduct ulit sila ng x-ray test para sigurado.
"Pero yung result ng kanyang test ultrasound last time was very good. Clear naman. Kaya hindi natin alam, hindi natin maintindihan kung bakit siya nag-fever ulit.
"So, hopefully, wala naman masyadong complication sa loob ng katawan niya ngayon. Sana okay lang lahat."
Read: Andrew Schimmer hopes for fast recovery of wife
To those who want to donate, you can send it to Ruby Jennifer Rovero (Jorhomy’s Sister) via Gcash 09173011957 or BDO account no. 004600187507.
