Sa kabila ng kanilang mapait na paghihiwalay, sinabi ni Ciara Sotto, 42, na nagdesisyon sila ng ex-husband na si Joe Oconer na maging magkaibigan para sa kanilang anak.
“We’re good friends, okay? I think we’re co-parenting well,” ani Ciara sa kanyang vlog nitong July 9, 2022, kung saan sinagot niya ang tanong ng netizens.
Ang anak nina Ciara at Joe na si Crixus ay 7 years old.
January 2016 nang ihayag ni Ciara via IG post na nilisan niya ang bahay nila ni Joe.
Isiniwalat ni Ciara na ang pangangaliwa umano ni Joe ang dahilan kaya sila naghiwalay.
Read: Ciara Sotto admits separation from husband Joe Oconer
Naghain ng petition for annulment si Ciara noong 2018, na iginawad naman ng korte noong 2019.
Si Joe ay chief operating officer at chief financial officer ng APT Entertainment, ang TV-film company na pag-aari ni Antonio Tuviera.
CIARA ON CHEATING
Samantala, naging prangka si Ciara nang sagutin niya ang tanong ukol sa cheating.
Usisa ng netizen: “How do you deal with cheating?”
Mabilis na sagot ni Ciara, “I can’t deal with cheating.
“So if the guy cheats, goodbye!
“Bigay niyo na sa kanila kung ayaw na nila sa iyo. Bye!
“Kung gusto na nila umalis, ihatid mo sa pintuan, palabas. Sipain mo pa.
“Joke lang!” sabay tawa niya.
Noong 2019 din ay nagkaroon ng relasyon si Ciara sa Filipino-American na si Ian Austin.
Pero kinumpirma ni Ciara ang paghihiwalay nila noong July 2021.
Sa kanyang recent vlog, tinanong si Ciara kung may boyfriend siya ngayon.
“Wala,” maiksi niyang sagot.
Masaya raw siya ngayon sa kanyang buhay at walang stress.
