Si Vince Maristela ang itinuro ni Raheel Bhyria na mas hunk sa kanilang dalawa kaya hindi raw niya ito lalabanan sa pagpapakita ng abs at katawan.

Hiningan namin si Vince ng reaksyon sa sinabi ng kapawa niya Sparkada/Sparkle artist.
“Hindi, mukhang siya yung mas hot sa akin, e,” at natawa si Vince.
“Hindi, hindi! Wala pong competition pagdating dun.”
Naniniwala ba si Vince na wala dapat kumpetisyon sa pagitan ng mga artista?
Paliwanag niya, “Hindi ko sineseryoso masyado pag sa kanila kasi magkakaibigan kami and kakatapos lang namin sa project, so wala pa, hindi ko pa nakikita na competition sila Raheel, sila Saviour, kasi parang may kanya-kanya kaming project po.”
Ang isa pang Sparkada artist na si Saviour Ramos ay isa rin sa mga hunks ng Sparkle at GMA Network.
Isa sa mga cast members si Vince sa Wattpad series na Luv Is: Caught In His Arms na collaboration ng Wattpad at GMA.
”And then hopefully, sana maka-Season 2," dasal niya.
VINCE ADMITS CRUSH ON BIANCA UMALI
Samantala, ang Kapuso leading lady na si Bianca Umali ang crush ni Vince at nais niyang makatrabaho in the future.
“Gusto ko lang yung aura niya.
"Ang lakas ng dating niya so parang nasa-starstruck din ako, merong wow factor, ganun,” ang tila nahihiyang pagtawa ni Vince.
Hindi pa raw niya nakikilala nang personal si Bianca.
“Nakita ko lang po siya sa GMA,” pag-amin niya.
Kapag nakilala na niya si Bianca, ano ang una niyang sasabihin sa Kapuso actress?
Tumawa muli si Vince bago sumagot.
"Hi! Ganun. Hi! I’m Vince,” matipid niyang lahad.
Man of few words pala si Vince.
“Oo, few words lang,” pagsang-ayon sa amin ni Vince.
Ano sa palagay ni Vince ang nakita sa kanya ng GMA upang papirmahin siya bilang exclusive contract artist ng Sparkle?
“Siguro po ano, yung personality ko rin po, sobrang laking factor nun. Na marunong akong makisama, wala po akong pinipiling tao, mataas man o mababa.
“Like I treat them as equal, iyon lang po. And siguro masasabi ko funny ako. Ha! Ha! Ha!”
