Umalma si DJ Loonyo sa aniya'y pantri-trip sa kanya ng singer na si Janine Berdin.
- DJ Loonyo reveals relationship with non-showbiz girl; says no bad blood with Ivana Alawi
- DJ Loonyo on being tagged as babaero: "Ganun ako dati, pero iba ngayon."
- DJ Loonyo builds new house for mom years after losing old home to pay off family debt
Base sa screenshots ni DJ Loonyo, nakarating sa kanya na ginawang Facebook cover photo ni Janine ang isang meme tungkol sa dancer.
Ang meme ay tungkol sa kunwa'y petisyong palitan ang pangalan ng NAIA na "DJ Loonyo International Airport."
May nakalagay sa caption ng petisyon na nagsasabing karapat-dapat siya dahil "DJ is the only hero (hawak bayag dance step)."
Hindi iyon nagustuhan ni DJ Loonyo.
Nagpadala siya ng private message kay Janine (published as is): "Ma'am sorry [praying emoji]
"May natitira pa po ba kayong respeto? may nagawa ba ako sayong mali?"

Sumagot si Janine at nangatuwirang nagbibiro lamang siya.
"Hello po! It's really just a meme that I found super funny. I found it online. I didn't really mean any harm.
"Ano po kaya context ng meme? :) i just thought it meant to change the name of the airport to you like poking fun :D"
Tingin daw ni Janine ay maging ang ibang netizens na nakakita ng meme ay hindi "degrading" ang tingin dito.
Pero tatanggalin daw niya sa kanyang Facebook cover ang meme kung hindi ito gusto ni DJ Loonyo.
Hindi nagustuhan ni DJ Loonyo ang katuwiran ni Janine.
Ini-screenshot ni DJ Loonyo ang usapan nila ni Janine at saka isinapubliko iyon sa Facebook.
Sabi ni DJ Loonyo: "Nakakatakot yung utak ng mga gantong tao [thumb's down]
"Pag kayo ginanyan ISSUE, HEADLINE AND BASH AGAD.
"Katuwaan? Tapos binabash and pinagttripan yung taong involved?
"@janineberdin Ur better than that for sure. Godbless your soul. Weird shit."

DJ LOONYO TO JANINE: "RESPETO NA LANG SANA."
Dismayado raw si DJ Loonyo dahil hindi niya akalaing kasamahan sa industriya ang gagawa ng meme sa kanya.
Sabi pa niya (published as is), "Kung wala kayong magawa, pagtripan niyo sarili niyo wag ibang tao...
"Maging sensitive tayo minsan, di natin alam pinagdadaanan ng isa't isa satin.
"In-expect ko yung mga matagal na or kahit papano nauna sa industriya ay kahit papano alam ang 'RESPETO NA LANG SANA'.
"Pero para katuwaan, sigeeee, Go lang, kahit iba na yung napuntahan ng KATUWAAN.
"Weird shit!!!
"PANGALAN MO SAYO YUNG AIRPORT, Baka ikaw yung may gusto hindi ako."

JANINE'S REPLY
Sa hiwalay na Instagram Story, nag-react naman si Janine sa pagsasapubliko ni DJ Loonyo ng kanilang private chat.
Dito ay inulit ni Janine na wala siyang masamang intensiyon sa pagpu-post ng meme tungkol kay DJ Loonyo.
Katuwiran pa ni Janine, "satire" ang meme na iyon.
Dagdag pa niya: "People use my name to poke fun all the time as well. Hell people talk shit and laugh at me as well.
"I'm not saying that's what the meme was doing kasi it wasn't meant to be degrading at all.. but yeah! It's what comes along when you're a public figure. no big! smile po kayo!"

