PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

TikTok star Queenay is a proud Batangueña

Queenay has yet to meet idol Joshua Garcia who's also from Batangas.
by Jerry Olea
Published Jul 14, 2022
queenay proud batanguena
Queenay on positive response to her TikTok posts higlighting her being a Batangueña: “Hindi ko lang na-lift yung sarili ko bilang Batangueña kundi na-lift ko rin yung bayan ko na San Jose, Batangas, ang egg basket of the Philippines. Puro itlog po sa amin sa San Jose! Maraming itlog!”
PHOTO/S: Jerry Olea / @qyueenaymercado on Instagram

Kainaman! Proud Batangueña si Queenay sa kanyang TikTok posts.

“Parang napansin nila na… ay! May punto ng pagka-Batangas!” bulalas ni Queenay sa kiddiecon ng Sing Galing Kids noong Hulyo 9, 2022, Sabado, sa Mesa restaurant ng Vista Mall-Taguig.

“Parang natuwa ata ang mga tao, lalo na ang aking mga kababayan sa Batangas na parang… Dati naman ho kasi, hindi napapansin yung mga punto namin.

“Kung napapansin man ay nahihiya tayong mga Batangueño na mga kababayan ko na pag nasa Maynila, di ba, parang ayaw nilang ipakita ang punto.

“Kasi parang, ‘Hala, pagtatawanan! Hala, pag-aanuhan!’ Parang… alam mo yun, parang hindi normal. Parang ganun.

“Tapos after nun, e, di… dire-diretso. Nag-notice nga ako ng Batangueña, ganyan.

“Tapos hanggang sa natutuwa na yung mga tao, na parang dumadami talaga yung views kada upload ko. Talagang kahit yung isang upload, nagtu-2.1M views.

“Nagugulat na lang po ako. After po nun, hanggang sa in-embrace ko na po talaga na eto yung maganda.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Hindi ko lang na-lift yung sarili ko bilang Batangueña kundi na-lift ko rin yung bayan ko na San Jose, Batangas, ang egg basket of the Philippines.

“Puro itlog po sa amin sa San Jose! Maraming itlog!”

Madalas i-hashtag at binabanggit ni Queenay sa TikTok ang “kainaman.”

Mainam na paliwanag ng 20-anyos na dalaga, “Ang ‘kainaman’ po, sa mga hindi nakakaalam, ang ‘kainaman’ po ay sobra, exagg, grabe, mainam. Depende po sa gamit.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

CELEBS FROM BATANGAS SHE WANTS TO MEET

Si Joshua Garcia ang idolo ni Queenay na taga-Batangas pero hindi pa niya ito mami-meet.

“Actually, unang kita ko po sa kanya, yung ano po niya, yung character. Kumbaga, yung acting skills niya, talagang hinangaan ko,” nakangiting lahad ni Queenay.

“Kasi, nung napanood ko yung mga acting skills niya, napapanood ko kasi sa TikTok, yung mga nag-a-upload ng mga paunti-unting mga clip ng mga akting-akting nila.

“So, nakakatuwa lang yung character niya. Todo-bigay siya sa akting niya. And siyempre, pogi din naman si Joshua…

“Dinu-duet ko ang mga sayaw niya! Di ba, ang simple lang ng sayaw niya pero ilang views yun? Parang nasa 23M agad, isang upload-an lang po yata yun.”

Read: Netizens have the funniest comments about Joshua Garcia's trending TikTok; TikTokers react

Hindi pa rin niya nami-meet in person ang movie queen na si Vilma Santos.

“Pero I want to meet Miss Vilma Santos siyempre!” pakli ni Queenay.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Marunong ba siyang mag-balisong?

“Ay! Hindi ho! Naku po! Diyos ko! Delikado 'yan! Nakuuu!!!” pagbungisngis ni Queenay.

“Hindi ho! Pero natutuwa po akong makakita siyempre ng mga balisong. Pride talaga 'yan ng Batangas, e. Balisong saka kapeng barako.”

Mahilig ba siya sa kapeng barako?

Napatango si Queenay, “Mahilig din po kami, opo. Pero hindi naman po yung araw-araw talaga na magkakape talaga.

“Pero minsan ho, depende ho sa mood siguro. Kasi siyempre, minsan parang may mga times na ayaw nating magkape.

“Pero minsan, gusto naman nating magkape kahit mabanas! Kahit mainit, pero magkakape tayo, di ba? May mga ganun.

“Pero ayun, mahilig din naman po ako sa kape.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

QUEENAY AS AN ACTRESS

Umaakting na si Queenay.

“Meron po akong ginawa. Katatapos lang po ng shooting namin. Meron po kaming TikTok series entitled 52 Weeks, project po yun ng Puregold,” pagbabalita ng proud Batangueña.

“Dapat abangan din po actually. July 22 ang pinaka-airing nito. Series siya. Tapos yun po, ahh, nakapag-akting po ako.

“Nagla-lock in po kami, three or four days. Isu-shoot po namin yun nang diretso, tapos, hati-hati pong ipapalabas for one month. Bale 33 episodes na po yun.

“Si Jin Macapagal po yung parang love interest ko dun. Yun po ang pinakauna-una ko ngayon na acting career.”

May kissing scene sila ni Jin?

Mabilis na tugon ni Queenay, “Hay! Wala po! Hay, naku! Ang inay ko ho ay hindi pa handa. Hindi pa handa!

“Ay! Ako rin, parang hindi pa handa! Ako rin po, at my age, parang hindi pa rin siguro…

“Pero siguro, pag tumanda-tanda na ako, baka naman, di ba? Pero ngayon, at the age of 20, hindi pa.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

ON CO-STAR MAJA SALVADOR

Kasama rin si Queenay sa sitcom ni Maja Salvador na OMK (Oh My Korona) sa TV5. Kumusta ang pakikipagtrabaho kay Maja?

“Sobrang saya! I’m so blessed! Sobrang enjoy lang ng lahat. Sobrang ang sayang kasama, katrabaho ni Miss Maja Salvador,” lahad ni Queenay.

“And siya rin talaga yung isa sa mga hinahangaan kong artista na, alam mo yun, very approachable, very humble.

Tapos pag kasama mo siya sa set, very happy lang. Yung hindi ka mape-pressure.

“Kasi siyempre ako, parang… lahat ng kasama ko dun, artista, e! Tapos ako, parang ako, sabi ko, baka ma-pressure ako.

“Na-feel ko nung una na baka kapag nagkamali ako, baka mamaya, tirahin ako dito, ganyan. Parang… Pero hindi!

“Parang… gina-guide nila ako, kumbaga. Kung may mali man, kung may ano, para silang mga ate, kapamilya.

“Naramdaman ko naman yung pamilya dun sa set.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

QUEENEE PEARL MERCADO

Nakakatulong na siyempre si Queenay sa kanyang pamilya.

“Yung pang-araw-araw na buhay na ginagastos. Tapos yung bahay po namin, dati po kasi, hindi talaga siya ganun ka… hindi naman sobrang ganda para ipakita.

“Pero maputik po kasi dati yung ano namin. So ngayon, parang paunti-unti, napapa-renovate ko po yung bahay namin.

“So ayun, tapos may business din po kami na beauty products. Unti-unti po, from that, nakakapag-invest po ako ng business."

Ang tunay na pangalan ni Queenay ay Queenee Pearl Mercado.

“Naging Queenay po ako dahil sa tawag sa akin ng inay,” paliwanag ng Batangueñang kainaman.

“Actually iyon po ay letter K… K-w-i-n-a-y. Dapat Kwinay, Tagalog po talaga, puro!

“E ang nangyari, ang inay, sabi, ‘Kwinay, ikaw nga’y pumarine!’ Kaya ngayon, para sa TikTok, ginawa na lang naming Q.

“Para mas magandang tingnan, na Queen, galing din sa pangalan ko kumbaga. Queen-ay.

“And then napansin nga namin na parang bonding namin ng inay, na nagsasagutan din kami sa TikTok.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Parang naging Queen, tapos inay. Kaya Queenay. Ngayon din namin na-realize, nitong mga nagdaang araw na parang…

“Oo nga, ‘no? Queenay… Queen at inay. Maganda rin, kung mapapansin ng mga tao, kung babasahin man nila yung profile ko sa TikTok, kung mapapanood niyo po ang TikTok ko.

“Ay ano, makikita nyo kami ng inay ko, nagbabangayan ho kami, nagkukulitan ho kami, ganyan,” sabi pa ni Queenay, na ka-tandem si Mari Mar Tua bilang Arkidia Ate sa Sing Galing Kids edition na mag-uumpisa sa Hulyo 16, Sabado ng 6:00 p.m., sa TV5.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Queenay on positive response to her TikTok posts higlighting her being a Batangueña: “Hindi ko lang na-lift yung sarili ko bilang Batangueña kundi na-lift ko rin yung bayan ko na San Jose, Batangas, ang egg basket of the Philippines. Puro itlog po sa amin sa San Jose! Maraming itlog!”
PHOTO/S: Jerry Olea / @qyueenaymercado on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results