PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Judy Ann Santos statement criticized by ex-MasterChef contestant

Judy Ann's simple statement turns into a political issue.
by Bernie V. Franco
Published Jul 14, 2022
Judy Ann Santos Pebbles Cunanan
Judy Ann Santos's (left) explanation about her cooking vlog suddenly turns into a political issue following the reaction of former MasterChef Pinoy Edition contestant Pebbles Cunanan (right). Juday was the host of the reality cooking show in 2012.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / Facebook (Pebbles Cunanan)

Ang simpleng pahayag ni Judy Ann Santos tungkol sa pagluluto ay napunta sa usapang pulitika kasunod ng pagre-react ng isang dating contestant ng MasterChef Pinoy Edition.

Kinastigo ni Pebbles Cunanan si Judy Ann dahil sa paliwanag ng actress-host kung bakit huminto muna siya sa kanyang cooking vlog na Judy Ann’s Kitchen.

Si Pebbles ay dating contestant sa reality cooking show na MasterChef PH (2012) kung saan si Judy Ann ang host.

Sa episode ng Kapamilya morning program na Magandang Buhay noong July 4, 2022, nagpaliwanag si Judy Ann kung bakit wala siyang bagong episode sa kanyang cooking vlog.

Saad niya: “Ang hirap kasing mag-isip ng mga episodes especially kung ang pagtaas ng presyo ng bilihin ay napakalala.

“Ayokong hindi maka-relate yung viewers sa kung anumang lutuin ang gagawin ko kasi parang napaka-unfair naman.

“Ayoko lang na parang masabihan ako na, ‘luto ka nang luto, di naman namin magagawa ‘yan…’”

Dahil passion ni Judy Ann ang pagluluto, ayaw raw niyang tratuhing trabaho ang cooking vlog na kanyang passion project.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

PEBBLES CRITICIZES JUDY ANN

Ang pahayag na ito ni Judy ang pinuntirya ni Pebbles sa kanyang sunud-sunod na posts sa Facebook noong July 9, 2022.

Kalakip ang quote card na taglay ang statement ni Judy Ann, naglabas ng kanyang reaksiyon ang former MasterChef PH contestant.

Pasaring ni Pebbles (published as is): “Diskarte ghorl….mag-isip ka ng mga puede mong ipalit na ingredients juicemio….palibhasa sa mamahaling culinary school nag-aral eh….”

Si Judy Ann ay kumuha ng culinary course sa Center for Asian Culinary Studies sa San Juan City at nag-graduate with honors.

Pangaral pa ni Pebbles sa actress-host: “Juday wag lang mag-base sa mga natutuhan sa culinary school.

“Ang pagtaas ng mga bilihin normal yan ang hindi normal yung CHEF ka tapos hindi mo alam dumiskarte ng mga puede mong gamiting ingredients sa pagluluto.”

Hinaluan din ni Pebbles ng pulitika ang kanyang reaksiyon sa pahayag ni Judy Ann.

Aniya: “Paano kung mumurahing ingredients ang gagamitin mo, mapapasarap mo kaya yung lugaw ni Leni…chozzzzz [laughing with tears ang peace sign emojis]

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Tabehhhhh…..turuan kita…bet mo….aaay magaling ako magluto nohhhh…”

Ang patutsadang ito ay ni Pebbles ay reference kay former Vice-President Leni Robredo.

Si Pebbles ay vocal na pro-administration ng bago at pinalitang administrasyon at kritiko ni Robredo.

COMMENT ON COOKING turns POLITICAL

Hindi rito natapos ang pahayag ni Pebbles. Tuluyan nang nauwi sa pulitika ang usapan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Noong July 12, ipinost ni Pebbles sa Facebook ang screenshot ng isang netizen na politikal ang komento.

Pinuna ng netizen si Pebbles at mga kapwa nito pro-administration at tinawag silang “privileged.”

Comment ng netizen: “Na kaya niyong sabihing normal lang ang pagtaas ng bilihin. Ang HINDI NORMAL ay ang presidenteng walang ginagawa sa pagtaas ng bilihin.”

Post pa ni Pebbles, tinanong daw siya ng ibang netizens kung “Ano ang kuneksyon kay Leni” ng komento niya sa pahayag ni Judy Ann.

Ibinalik ni Pebbles ang banat sa Robredo supporters.

Bahagi ng post niya: “[S]a inyo ko natutunan ang pag-konek ng mga salita, pangyayari, pagkain, hayup at gamit sa isang tao.

“Di ba yan ang ginawa niyo kay BBM pati nga mga staff ng mga restaurant dinamay niyo dahil dun sa suot na damit ni BBM nung interview niya kay KORINA SANCHEZ."

Sabi pa nito: “Pink din naman si Juday mga atake niyo talaga ‘LANG KUWENTA’….”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nitong nakaraang eleksyon, hindi kagaya ng mga kapwa niya artista, hindi naging aktibo si Judy Ann sa pangangampanya sa kahit sinong kandidato.

Sa dulo ng post ay muli niyang pinatutsadahan ni Pebbles si Judy Ann kaugnay ng isyung nagmahal ang presyo ng mga bilihin.

Sabi nito (published as is): “Oo nga pala judge ko si Juday sa Masterchef Philippines….nakalimutan ko [laughing with years emojis]

"Kaya mo yan Chef Juday [kiss with hearts emojis] kami nga may 100 peso challenge sa Masterchef Philippines...

"Tapos namili kami sa grocery hindi sa palengke kasi dun kami dinala sa grocery ng mga staff ng programa 100 peso challenge Tapos sa grocery kami namili pero natapos ko yung challenge ng maayos. May sukli pang 24 pesos.”

Nitong July 13, Miyerkules, ay muli na namang nag-post si Pebbles

Ikinatuwiran niyang naglalabas lang siya ng opinyon kasunod ng natanggap na pagbatikos.

Aniya: “Wag kayong istorbo nag-shu-shooting ako ng MARA CLARA….enebeyern…

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“[K]apag naglabas ka talaga ng OPINYON mo sa sinabi ng isang celebrity puchaaaaaa akala mo naman talaga pumatay ako ng tao

“Mga artista lang ba may karapatan magsalita?"

Pinaratangan pa ni Pebbles ang "Kakampinks" na may motibong pulitika rin umano ang pagpuna sa kanya.

Aniya: “Kundi ko pa alam sila-sila rin nagpakalat ng issue na toh para mapag-usapan….kilala ko mga galawan niyo….mga SALARIN….good or bad publicity is still a publicity….ganownnnnn

“Ama na mga kakampinks::::YOUR TIME IS UP…..wait na lang kayo sa mga kalamidad…..akala mo naman talaga hindi sila yung nagpa-uso ng CANCEL CULTURE….ang babait niyooooool”

May sumunod pa siyang post sa kanyang bashers na tinawag daw siyang “bitter, kalbo, bakla, matanda na,” at hindi kaestado si Juday.

Buwelta niya: “Ok gowwwww….bala kayo jern…kapag nakasali kayo ng MASTERCHEF saka na kayo umarte….

“AT SA MGA NAGHAHAMON NG KAKAYAHAN KO SA PAGLULUTO….

“’PM NIYO LANG AKO PO AKO’ basta kayo bibili ng GAS, saka mga ingredients, go ako jernnnnn….”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

At this writing ay walang post na reaksiyon si Judy Ann sa patutsada sa kanya ni Pebbles, na nagsimula lamang tungkol sa cooking vlog niya at sa presyo ng mga bilihin.

Hiningi ng Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) ang reaksiyon ni Judy Ann kaugnay ng isyu sa pamamagitan ng isa niyang malapit na kaibigan. Wala pa kaming natatanggap na sagot at this writing.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Judy Ann Santos's (left) explanation about her cooking vlog suddenly turns into a political issue following the reaction of former MasterChef Pinoy Edition contestant Pebbles Cunanan (right). Juday was the host of the reality cooking show in 2012.
PHOTO/S: YouTube (ABS-CBN Entertainment) / Facebook (Pebbles Cunanan)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results