PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rowena Guanzon word war with Ruffa Gutierrez

Guanzon brags about her credentials.
by Arniel C. Serato
Published Jul 14, 2022
Rowena Guanzon reminds Ruffa Gutierrez of 1994 Manila Film Festival scam
Ruffa Gutierrez (right) on new rants of former Comelec Commissioner Rowena Guanzon (left) against her: "Let’s practice the art of deadma."
PHOTO/S: Courtesy: Rowena Guanzon on Facebook / @iloveruffag on Instagram

Hindi pa tapos si former Comelec Commissioner Rowena Guanzon sa kanyang patutsada laban sa aktres na si Ruffa Gutierrez.

Kahapon, July 13, 2022, sunud-sunod ang parinig ni Guanzon kay Ruffa sa Twitter at Facebook.

Hindi na rin idinaan ng dating government official sa blind item ang kanyang parunggit kundi direkta niyang pinangalanan si Ruffa.

Sa Twitter una niyang binanatan ang actress-TV host.

Pasaring ni Guanzon: “To Ruffa : take it! take it 'dai.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malinaw na ang tinutukoy ni Guanzon ay ang 1994 Manila Film Festival scam kung saan nasangkot si Ruffa.

Ang “Take it, take it” ay ang pamosong linya na binitawan ni Miss Mauritius Viveka Babajee nang tawagin niya ang pangalan ni Ruffa bilang Best Actress sa nasabing festival.

Pero hindi talaga si Ruffa ang nagwagi noon kundi si Aiko Melendez.

Twenty years old lamang noon si Ruffa, at ilang buwan pa lang nakokoronahan bilang 1993 Miss World 2nd Princess.

Read: Manila Film Festival 1994: The Scandal that Rocked Showbiz

GUANZON BRAGS ACHIEVEMENTS

Sa kanyang Facebook naman kahapon din, ipinagmalaki ni Guanzon ang kanyang credentials at achievements bilang Comelec commissioner at former mayor ng Cadiz City, Negros Occidental.

Mababasa rin sa ipinost niyang profile na nagtapos siya ng high school sa Siliman University High School at economics degree graduate sa University of the Philippines (Diliman).

Sa UP din siya nagtapos ng law degree kung saan nasa Top 10 siya sa lahat ng gumradweyt.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kumuha rin siya ng Master’s Degree in Public Administration sa Harvard University.

May mga libro rin siyang isinulat tungkol sa batas.

Taong 2013, nakatanggap ng parangal si Guanzon mula sa American Field Service Mabuhay Award at Outstanding Alumna in Gender Equality and Women Empowerment mula sa UP at iba pa.

Caption niya: “Anong take it take it? no, thanks! Thou shalt not steal, the award!”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Muli ring inungkat ni Guanzon ang tungkol sa dalawang kasambahay na tinulungan niya dahil pinalayas diumano ni Ruffa.

Sabi niya, “Kababayan ko po yung dalawang kasambahay mga taga negros din sila, inilapit sila saakin at nagtiwala. obligasyon ko na tulungan ang mga nanghihingi ng tulong hindi ng ano pa man dahil dapat na mas pagmalasakitan natin ang mga walang boses.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: Ruffa Gutierrez denies accusation she fired two househelps without paying their salaries

RUFFA SHRUGS OFF TIRADES FROM GUANZON

Mukhang ipinagkikibit-balikat lang naman ni Ruffa ang mga bagong banat sa kanya ni Guanzon.

Sa isang post niya sa Twitter kahapon, ibinahagi ni Ruffa ang kasabihan mula kay Albert Einstein tungkol sa pagiging parehas.

Mababasa sa quote: “I speak to everyone in the same way, whether he is the garbage man or the president of the university. Albert Einstein #quote”

Caption lang niya: “#Word

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kinahapunan, nag-post naman si Ruffa ng tungkol sa pagsasawalang-bahala sa mga naninira sa isang tao.

Deadma na raw siya sa mga ito.

Buong post ni Ruffa na tumutukoy rin sa 3 million followers niya sa Twitter: “Piliin mo pa rin ang ngitian sila sa kabila ng paninira nila. 3 million hugs to all of you. Let’s practice the art of deadma. #Blessed

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Nag-ugat ang tensiyon sa dalawa sa isang blind item ni Guanzon ukol sa walang pusong amo na nagpalayas umano ng dalawang katulong at, ang masaklap, hindi pa raw ito pinasahod.

Kalaunan, tinumbok ni Guanzon na si Ruffa ang tinutukoy niya sa blind item.

Mariin itong pinabulaanan ng aktres.

Tila nanggigil naman si Guanzon sa hindi pagtawag sa kanya ni Ruffa ng “congresswoman.”

Si Guanzon ang number one nominee ng Komunidad ng Pamilya, Pasyente at Persons with Disabilities o P3PWD party-list. Hindi pa siya nakakaupo sa Kongreso dahil sa nakabinbing petisyon sa Supreme Court.

Hanggang sa sumawsaw na rin ang ina ni Ruffa na si Annabelle Rama sa isyu, pero hindi na ito pinatulan pa ni Guanzon.

Read: Annabelle Rama sinagot si Rowena Guanzon? "Huwag ka maging chismosang marites!"

Samantala, tinawag naman ni Ruffa na "That girl Guanzon" ang dating Comelec commissioner sa isang short TikTok clip.

Maririnig sa usapan nila ng inang si Annabelle ang mga ganitong salita: "Ma, anong message mo kay Guanzon? That girl Guanzon?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Annabelle: "Hay nako, no comment."

@happylisa74 Yung ininsist mo kay Ms. Ruffa na tawagin kang Cong pero tinawag kang THAT GIRL ???????? #fyp #mim #maidinmalacañang #MiM #bbm #pbbm #darrylyap #vincentiments #anabellerama #ruffaguttierez ? original sound - Lisa.

Ngayong araw, July 14, wala pang bagong patutsadahan ang magkabilang kampo.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ruffa Gutierrez (right) on new rants of former Comelec Commissioner Rowena Guanzon (left) against her: "Let’s practice the art of deadma."
PHOTO/S: Courtesy: Rowena Guanzon on Facebook / @iloveruffag on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results