PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Kim Atienza on hosting stint with Pokwang in ABS-CBN

Kim says it's a dream come true to finally have a show with Pokwang.
by Rose Garcia
Published Jul 16, 2022
Kim Atienza, Pokwang, Rabiya, Wowowee
Kim Atienza says it was his dream to have a show with Pokwang. since he experienced briefly co-hosting with her in ABS-CBN's defunct noontime show Wowowee (left insets). Pokwang, Kuya Kim, and Rabiya Mateo (right) are co-hosting GMA-7's new game show TikToClock starting on July 25, 2022.
PHOTO/S: @kuyakim_atienza Instagram / Screengrab from Wowowee

SA GMA-7 natupad ang matagal nang wish ni Kim Atienza na makatrabaho ang comedienne na si Pokwang.

Pareho silang nanggaling sa ABS-CBN na matagal nilang naging home network, pero dito sa paglipat nila sa Kapuso Network sila nagkasama sa kauna-unahang pagkakataon.

Sina Pokwang, Kuya Kim, at Miss Universe Philippines 2021 Rabiya Mateo ang co-hosts ng TikToclock, ang bagong game show ng GMA-7 na papalit sa timeslot ng Mars Pa More.

"Si Pokwang, sanay na akong makita iyan kasi madalas ko rin makasama sa ABS.

"Pero 12 years ago, nag-co-host kami ni Pokwang, pinapa-pinch hit ako ni Kuya Willie noong nando’n pa sa kabila yung Wowowin.

"So, we hit it so well. Nasa YouTube yun, e. Ang ganda-ganda na kasama namin si Chokoleit," balik-tanaw ni Kuya Kim.

Ang comedian na si Chokoleit ay pumanaw noong 2019.

Ang tinukoy ni Kuya Kim na "Willie" ay si Willie Revillame, na main host ng defunct Kapamilya noontime show na Wowowin (2005-2010).

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Wowowin ang blocktimer show na prinodyus ni Willie, na dating nasa GMA-7 at ngayon ay nasa AMBS na.

Si Kuya Kim ay lumipat sa GMA-7 noong October 4, 2021, habang si Pokwang ay noong June 18, 2021.

Pagpapatuloy ni Kuya Kim: "Sabi ko, I wish I have a show with Pokwang, and I wish I have a game show or a variety show with Pokwang. So, it has always been my wish.

"Ibinigay sa amin ng GMA itong ganitong pagkakataon, sabi ko, 'Wow, natupad na. At may bonus pa, nandito pa si Rabiya.'"

ON WORKING WITH POKWANG AND RABIYA

Natatawa raw kasi siya kay Pokwang kaya pinangarap niya talagang makasama ito.

"Tawang-tawa ako kay Pokwang palagi. Gusto ko yung humor niya. Gusto ko yung out-of-the-world humor niya.

"Matagal na akong tagahanga ni Pokwang, at ngayon, nakikilala ko siya bilang kaibigan kasi, we work together now."

Ano ang nadiskubre niya kay Pokwang?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot ni Kuya Kim, "And I see the caring side of Pokwang. Napaka-nanay nito. Gustung-gusto niyang pakainin ka.

"Kung ano ang meron siya, gusto niyang ibigay sa iyo. So, napaka-caring."

Samantala, natuwa rin si Kuya Kim na makita ang different side ni Rabiya ngayong magkatrabaho sila sa TikToClock.

"Kung kay Pokwang, hindi ako nanibago, kilala ko ang humor ni Pokwang. Si Rabiya, siya ang surprise.

"Kasi, ang alam ko sa mga beauty queen, very self-concious. Saan mang anggulo, maganda ka palagi.

"Dito sa TiktoClock, lumabas ang tunay na Rabiya. Nawala ang poise, which is good.

"Basta banat. Kung ano ang ginagawa namin ni Pokwang, yun din ang ginagawa ni Rabiya, and that came as a big surprise for me."

ON LIVE AUDIENCE FOR TIKTOCLOCK

Masayang ibinalita rin ni Kuya Kim na may live audience na rin sila sa TikToclock tulad ng sa musical variety show ng GMA-7 na All-Out Sundays.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Ang All-Out Sundays, ang audience, nanonood. 'Eto, may interaction. Halos kasama namin sa stage ang audience. Kami ang pinakamalapit sa audience physically," saad ni Kuya Kim.

Hindi ba sila kabado na nakaka-interact nila ang mga audience lalo na ngayong sinasabi na medyo tumataas na muli ang mga COVID cases?

Paliwanag ni Kuya Kim: "Well kami, very strict ang mga protocol sa mga artists ng GMA. RT-PCR swab test kami before every taping day.

"Sa audience, antigen, bago makapasok ng studio. And all audience also have to present vaccination cards. Kung walang vaccination card, hindi puwedeng makapasok."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kim Atienza says it was his dream to have a show with Pokwang. since he experienced briefly co-hosting with her in ABS-CBN's defunct noontime show Wowowee (left insets). Pokwang, Kuya Kim, and Rabiya Mateo (right) are co-hosting GMA-7's new game show TikToClock starting on July 25, 2022.
PHOTO/S: @kuyakim_atienza Instagram / Screengrab from Wowowee
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results