PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Paul Salas marks "anniversary" with Mikee Quintos

Mikee to boyfriend Paul Salas: "Love yoh!"
by Rachelle Siazon
Published Jul 21, 2022
Paul Salas, Mikee Quintos
Mikee Quintos celebrates anniversary with boyfriend Paul Salas in Boracay.
PHOTO/S: @mikee Instagram / Paul Salas YouTube

Isinapubliko nina Paul Salas at Mikee Quintos na isang taon na silang magkarelasyon.

Parehong 24 taong gulang ang Kapuso stars na sina Paul at Mikee

Sa YouTube vlog ni Paul nitong July 20, 2022, ipinakita niya ang masayang bakasyon nila ni Mikee sa Boracay kamakailan.

Dito isinagawa ni Paul ang surprise dinner date nila ni Mikee by the pool para sa celebration ng kanilang "anniversary."

Niyaya rin ni Paul ang dalaga na maka-date sa GMA-7 Gala Night na gaganapin sa Shangri-La BGC sa July 30, 2022.

Dahil umuulan noong gabi ng kanilang romantic date sa Boracay, lumipat pa sila ng puwesto sa resort bago ibinigay ni Paul ang bouquet of roses para kay Mikee.

Sabi ni Paul, "Happy anniversary! Siyempre may roses din. Another invitation... Puwede ba kita maging GMA Gala date?"

Halatang kinilig si Mikee na todong napangiti, "Aww... May pag-ask pa sa akin. So, tayo na yung date?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Aminado rin si Paul na kinikilig siya sa date nila ni Mikee.

Sa sumunod na cut ng video ay pa-baby talk sabi ni Mikee, "Love yoh!"

Bukod sa kanilang dinner date, naging bukas din si Mikee sa pagsasabing nag-enjoy siya sa paraw sailing nila ni Paul.

"Masaya ako ikaw kasama ko," pag-amin ni Mikee.

Sabay tili ni Mikee, "Yuck! Kadiri! Wag mo isama!"

Pero kilig na sabi uli ni Mikee kung bakit bagay sa "couples" ang paraw sailing, "Masaya. Puwede mag-cuddle over the water..."

Noong May 23, 2022, inamin ni Paul sa GMA News na "dating" ang relationship status nila ni Mikee.

Nanligaw raw siya sa aktres pagkatapos nilang magkatrabaho sa The Lost Recipe ng GTV, na umere mula January-March 2021.

READ: Paul Salas reveals dating Mikee Quintos: “Gusto ko ito na yung last.”

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Mikee Quintos celebrates anniversary with boyfriend Paul Salas in Boracay.
PHOTO/S: @mikee Instagram / Paul Salas YouTube
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results