Nakabalik na sa Pilipinas si Zsa Zsa Padilla at ang longtime partner nitong si Conrad Onglao mula Nis, Serbia, noong Lunes, July 18, 2022.
Habang nasa Serbia, sinulit ng dalawa ang ilang araw nilang bakasyon kasabay ng pagdalo nila sa kasal ng anak ni Zsa Zsa na si Zia Quizon sa fiancé nitong si Aleksa.
Isang araw bago ang kanilang lipad pabalik ng bansa, nagliwaliw muna sina Zsa Zsa at Conrad sa siyudad ng Nis.
Sabi ng Divine Diva sa caption ng mga larawan at videos nila ng fiancé na si Conrad, “Went around the city before heading home tomorrow. Thanks to our wonderful hosts!
"Thank you for teaching us about the history of Nis. The food has been so good! Will miss my early morning walks at your parks and will miss your beautiful city"
View this post on Instagram
Bago naman tumulak papuntang Belgrade International Airport, sa kabisera ng Serbia, food trip naman ang pinagkaabalahan nina Zsa Zsa at Conrad.
Pagbabahagi ng singer, “Lunch before heading for Belgrade! We checked our map for a high-rated restaurant and service was not only unbelievably fast, food was very good!
"This time we knew what to order—Ajvar, Veal cooked in clay pot and my favorite fresh tomatoes. And not to forget yogurt for dessert."
View this post on Instagram
Kinagabihan ng Linggo, July 17, lumipad na sila patungong Istanbul, Turkey para sa kanilang connecting flight pabalik ng Pilipinas.
Mensahe ni Zsa Zsa sa kanyang Instagram followers, “Hi guys! Long journey home finally done! From Nis, we took a 3-hr car ride to Belgrade then we flew to Istanbul, Turkey.
"Flight was majorly delayed so we barely got any sleep. From Istanbul, we flew to Manila and I’m now in line in immigration. What a way to pass the time, right? Manila, I miss you! What a meaningful July it has been!”
View this post on Instagram
Masaya ang naging biyahe at pamamasyal nila sa Central Europe, ngunit tila nakulangan ang netizens na nakaabang sa mga post ni Zsa Zsa.
Missing daw kasi ang pinakaaabangan nilang mga larawan ng seremony at reception ng kasal nina Zia kat Aleksa.
Marahil ang nagkakaisang tanong nila: nasaan na ang wedding pictures?




Wala namang sagot si Zsa Zsa dito.
Kahit sa kanyang Instagram Stories, wala siyang in-upload na mga larawan. Pati na si Zia ay wala ring bagong upload.
Inanunsiyo ni Zia ang kanyang kasal sa pamamagitan ng isang tula na alay niya sa namayapang amang si King of Comedy, Dolphy.
Read: Anak nina Zsa Zsa Padilla at Dolphy na si Zia, ikakasal na
