PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Juanetworx streaming app guided by Healing Priest Fr. Suarez

Bagong streaming app na Juanetworx, inilunsad.
by Jerry Olea
Published Jul 22, 2022
edith fider juanetworx
Film producer Edith R. Fider on new streaming app Juanetworx: "Ngayon lang magkakaroon ng isang entertainment hub na may kasamang helpline. Ang ibibigay namin sa mga tao ay hindi lamang kaligayahan, hindi lamang entertainment, kung hindi proteksiyon para sa bawa’t isa, lalo na yung wala dito sa bansa."
PHOTO/S: Jerry Olea

Inilunsad ang streaming app na Juanetworx nitong Hulyo 21, 2022, Huwebes ng gabi, sa Club Filipino sa Greenhills, San Juan City.

P100 ang membership fee para sa “first all-around entertainment and emergency app” na na-envision ng yumaong healing priest na si Fr. Fernando Suarez.

Kabilang sa mga ihahatid ng Juanetwork ang untold stories ni Fr. Suarez hosted by Boy Abunda, ang istorya ng isang sirenang mabilbil, The Rey Valera Story: Kahit Maputi Na Ang Buhok Ko, at Doc Willie Ong: Ang Inyong Lingkod.

Magpapasiklab sa Juanetworx ang “masungit na tindera” na si Bernie Batin sa The Sari-Sari Show.

Merong Mga Kuwento Sa Dilim na iho-host ni Ed Caluag, Ang Katiwala, at ang life story ni Lt. Col. Jhun Ibay Jr. na pagbibidahan ni Aljur Abrenica.

Magpapakitang-gilas si Chef Sheilla bilang The Soulful Kitchen Diva, at kapupulutan ng aral ang True To Life Stories kung saan kasado na ang pagtatapat ng indie actor na si Charles Delgado.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Magpapaandar sina Christian Bables at Ali Forbes sa Erotixa, at nakakaintriga ang kuwento ng Ang Huling Burlesk Queen.

GUIDED BY FR. FERNANDO SUAREZ

Ang film producer na si Edith R. Fider ng Saranggola Media ang isa sa prime movers ng Juanetworx.

Pahayag ni Ma’am Edith, “Ang pakiramdam ko ngayon, nagbabalik-tanaw ako sa aming pinagmulan.

“Ang mga matatalik kong kaibigan, si Joven Tan at si Gregorio Serrano. Nag-umpisa kami ng isang maliit na produksiyon sa tulong at gabay ni Fr. Fernando Suarez.

“Mula sa aming humble beginning ay eto kami ngayon, naglakas ng loob para magbukas ng isang digital network, ang Juanetworx.

“Mula po noong ginabayan kami ni Fr. Suarez, lahat po ng mga prophecies niya sa amin, nagkatotoo.

“Na-meet namin, nakasalamuha namin yung mga tamang tao para dalhin dito.

“Nakaagapay namin, nakasama namin lahat ng mga tamang nilalang at tamang mga experts para mabuo ang isang network para sa Pilipinas.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

“Nakikita niyo naman, medyo may edad na ako. So, ito’y legacy na, pagbabalik-loob lang para sa mga naitulong sa akin at sa aming lahat. Ito ang Juanetworx.

“Kami pong mga nagsama-sama rito, hindi lang basta nagsama-sama. Kami po’y pinag-isa ng iisang layunin, ng iisang damdamin.

“Na kami’y makapaghatid ng saya at makatulong sa mga mamamayang Pilipino sa buong mundo.

“Ngayon lang magkakaroon ng isang entertainment hub na may kasamang helpline.

“Ang ibibigay namin sa mga tao ay hindi lamang kaligayahan, hindi lamang entertainment, kung hindi proteksiyon para sa bawa’t isa, lalo na yung wala dito sa bansa.

“Hindi ako nag-iisa rito siyempre. Marami akong kasama. Maraming tumulong sa akin para sa adhikaing ito.

“So, kaming tatlo na dati’y kakarampot, ngayon, e, marami na rito sa kumpanya. Maipagmamalaki ko na pare-pareho ang aming layunin.

“Iisa ang aming damdamin. Lahat kami, maka-Juan. Lahat kami, makabayan.”

Kabilang sa mga pelikulang prinodyus ng Saranggola Media ang Yorme: The Isko Domagoso Story, Suarez: The Healing Priest, at Ayuda Babes. Ang tatlong pelikula ay idinirek lahat ni Joven Tan.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag ng singer na si Christi Fider, maghahandog din ang Juanetworx ng mga concert at K-drama.

OFW ACADEMY

Nakipagsaya sa paglulunsad ng Juanetworx sina Manila Vice Mayor Yul Servo, Lou Veloso, Al Tantay, Joaquin Domagoso, Ali Forbes, Daddy Wowie Roxas, Liz Alindogan, Direk Armando Reyes, at OWWA Undersecretary Arnell Ignacio.

edith fider arnell ignacio juanetworx

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Lahad ni Arnell, “Edith and I… matagal na tayong nagkasama from iba’t ibang uri ng usapin at iba’t ibang uri ng proyekto.

“Mula entertainment, and the latest of which aming pinag-uusapan… meron kasi akong vision for the OFWs. This is the OFW Academy.

“Kasi, ahhm, araw-araw nating naririnig yung mga problema ng OFWs, and the government is always reactive sa kanilang concerns, sa kanilang mga problema.

“E ang nakikita ko dun, because we’re sending OFWs who lack training, that’s why ang sinasabi ko, it should be a course.

“It should not be dependent on the narrative that they are poor, that’s why they have no choice. It should be a course.

“It should be a course because you know what, we are very, very much loved all over the world. We are a very, very special kind of people all over the world.

“So, kasama dito yung aming pangarap na dumating ang panahon na itayo ang OFW Academy na 'yan. So, I’m very, very glad that we’re coming together.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Malaking surpresa para kay Arnell nang matanto na ang ihahandog ng Juanetworx ay aligned sa inaasam niya para sa mga OFW.

Pagpapatuloy ni Arnell, “This is entertainment! Because I want government to realize and understand the power of messaging, the power of entertainment, the power of where I came from.

“Kasi, napakadaling sabihin ng mga sinasabi ng gobyerno kapag ang nagsabi ay mga taga-entertainment.

“Madali ang pagpapaliwanag, eksakto at tagos kaagad sa isip saka sa damdamin 'yan.

“Yun ang gusto kong i-propose. I wanted a conduit, a channel for the OFWs to find entertainment. Kasi nga, wala!

“We’re always giving away scholarship, we’re always giving away livelihood project, gumawa na sila ng kandila.

“Lahat na lang, marunong nang gumawa ng kandila! Lahat na lang, marunong nang gumawa ng sabon! Lahat sila, gumagawa ng kandila saka sabon!

“Malungkot, e. Basically, malungkot. Ang mga OFWs, malungkot. What do they need? They need to be propelled to go on and on in what they’re doing, their jobs.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“E, anong kailangan nila? Ano bang sagot sa lungkot, di ba? Entertainment! Exactly! It’s a no-brainer.

“So, thank you very much, Edith, for bringing it on. Eto na lang, coming together which we have done is a beginning.

“And working together is progress, and we’re now working together. And finally, staying together which is what we’re doing, is success.

“Looking forward to the success of Juanetworx!”

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Film producer Edith R. Fider on new streaming app Juanetworx: "Ngayon lang magkakaroon ng isang entertainment hub na may kasamang helpline. Ang ibibigay namin sa mga tao ay hindi lamang kaligayahan, hindi lamang entertainment, kung hindi proteksiyon para sa bawa’t isa, lalo na yung wala dito sa bansa."
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results