Watch Now

Lolit Solis quits online show to focus on Instagram posts after getting hospitalized

by Jerry Olea
Jul 23, 2022
lolit solis naospital
Lolit Solis on being hospitalized: “Complete rest daw. E, siyempre dahil nga taga-showbiz naman tayo, sanay tayo ng tsuk-tsuk na ang dami-daming ano! Siguro, naiirita sa akin dito sa ospital. Parang… ‘Ano ba 'yan?! Ang ingay-ingay sa kuwarto na' yan!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Gustung-gusto ko sanang magpadalaw, kaya lang, bawal talaga.”
PHOTO/S: Jerry Olea

Isinugod si Lolit Solis noong Hulyo 17, Linggo ng madaling-araw, sa FEU-NRMF Medical Center, Novaliches, Quezon City.

“Bandang 3:00 a.m., napansin ng kasama ko sa bahay na nag-i-slur ako,” eksklusibong kuwento ni Manay Lolit sa Philippine Entertainment Portal (PEP.ph) nitong Hulyo 23, Sabado ng hapon.

“Hindi ako makapagsalita kaya dinala na nila ako sa ospital.”

Maraming gustong dumalaw kay Manay Lolit ang tinanggihan niya.

Paliwanag ng 75-anyos na talent manager, “Naku, gustung-gusto ko silang dumalaw actually, di ba?!

“Siyempre! Nata-touch nga ako dun sa mga nagte-text, nagpapadala ng message. Anung-ano talaga ako, talagang touched na touched ako.

“Pero pinapagalitan na ako ng doktor ko, ‘no?! Baka mamaya, yung mga doktor ko, layasan na ako!

“Mamaya, nasa kalye na ako, wala nang gumagamot sa akin?”

Dahil kailangan niyang magpahinga...

“Complete rest daw. E, siyempre dahil nga taga-showbiz naman tayo, sanay tayo ng tsuk-tsuk na ang dami-daming ano,” natatawang sambit ni Manay Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Siguro, naiirita sa akin dito sa ospital. Parang… ‘Ano ba 'yan?! Ang ingay-ingay sa kuwarto na' yan!’ Ha! Ha! Ha! Ha!

“Gustung-gusto ko sanang magpadalaw, kaya lang, bawal talaga.”

TALI TO MANAY LOLIT: "YOU NEED MONEY?"

Makakabalik pa ba siya sa online show nila ni Mr. Fu na “Take It! Take It! Me Ganon?!” tuwing Martes ng tanghali sa SuperSam restaurant?

Napabuntong-hininga si Manay Lolit, “Naku, mag-isa na lang dun si Mr. Fu. Isama na lang niya dun si Gorgy [Rula] saka si Salve [Asis]. Mas bagay yun sa kanila.

“At saka gusto ko nga palang magpasalamat kay Bossing Vic [Sotto] dahil kinumusta niya ako.

“At natutuwa ako kay Tali dahil bata pa si Tali, alam na niya kung ano ang kailangan ko.

“Imagine mo, tumawag talaga si Tali. Sabi niya, ‘How are you?’ Sabi ko, ‘I’m sick.’ ‘Do you need kiss?’ Di ba siguro, alam niya, pag sick, kini-kiss?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“‘You need kiss?’ ‘Yes.’ ‘You need money?’ Kita mo?! I need money, ha?!”

Kilala ba siya ni Tali?

Natatawa muling tugon ni Manay Lolit, “I’m sure, hindi! I’m sure, turo lang yun ni Pauleen Luna. Ha! Ha! Ha! Ha! Ha!”

Si Pauleen na asawa ni Bossing Vic at ina ni Tali ay isa mga alaga ni Manay Lolit.

manay lolit's controversial instagram account

So, goodbye na siya sa online show at magpapahinga na lang muna?

“Oo, pahinga muna, oo,” diretsong sagot ni Manay Lolit.

“Tutal naman, siguro naman, 75 na ako, ang tagal-tagal ko na sa showbiz, ‘no?!

“Mang-iintriga na lang ako nang mang-iintriga sa Instagram.”

Tuluy-tuloy pa rin ang mga hanash niya sa IG?

“Pag nawala yung Instagram ko, Diyos ko naman, talagang magde-deteriorate na ako,” pagkunot-noo ni Manay Lolit.

“Baka mamaya, kung ano na ang maisip ko, di ba?”

May netizens na inire-report ang IG account at inaasam na matanggal na iyon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Talak ni Manay Lolit, “Naku, huwag na, ‘no?! Ipapatanggal niyo, bakit, ano bang ginawa ko sa kanila, ba’t gusto nilang ipatanggal?!

“Yung mga fans ng mga baliw?! Mga fans ng mga baliw?! Naku, hayaan nIyo na yun.

“Ang ibig kong sabihin, kung yung ini-Instagram ko, pagpuna sa mga idol nIyo… ako lang ba ang pumupuna?!

“Baka naman ako lang ang openly nagsabi. Baka naman yun din ang nasa isip ng iba, hindi lang masabi!

“So, maging maingat kayo. Tingnan nIyo, baka naman tama rin yung kuda ko. Ngayon, kung mali yung puna ko, e, di sorry.

“Good na hindi naman pala totoo yung nabalitaan ko whatever, di ba?”

PRAY OVER

Kailangan pa ba niya ng pambayad sa hospital bill, o meron nang sumagot niyon?!

Tumikwas ang kilay ni Manay Lolit at umirap siya nang slight, “Day! Tandaan mo, mayayaman ang mga alaga kong artista, ‘no?!

“Rich! Mga ano sila, mga Department of Finance. Department of Finance, ‘no?!” pagbibiro pa ni Manay Lolit.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paano iyong gustong i-pray over siya?

Napatungo sandali si Manay Lolit, “Gusto kong magpasalamat kay Amy Austria, di ba? Na anung-ano, natutuwa nga ako.

“Sabi niya, ‘Nay, ang maio-offer ko lang sa ‘yo, prayers chu-chu, chu-chu.’

“SIyempre naman, pinakamalakas naman talagang ano, prayers, di ba? Yun ang pinakaano.

“Kaya naman tuwang-tuwa ako, tumatawag siya, kahit sa telepono, pine-pray over niya ako. Nakakatuwa naman!

“Tsaka yung mga nagdasal para sa akin. Talagang ito, nang nagkasakit ako, na-feel ko talagang marami pa ring nagmamahal sa akin.

“Tuwang-tuwa naman ako. Hindi ko akalaing ganun talaga karami pala yung ano, or…

“Baka naman talagang all my years in showbiz, hindi ako talaga nagkasakit. Hindi nabalitaang naospital. Ngayon lang.

“Kaya siguro, lahat na-shock. ‘Ha?! Naospital siya?!’ E, feeling ko talaga, superwoman ako. Ngayon, wah na!

“Hindi na ako superwoman. Puwede pala akong magkasakit, di ba?!”

Madi-discharge na si Manay Lolit sa ospital bukas, Hulyo 24, Linggo ng umaga.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Lolit Solis on being hospitalized: “Complete rest daw. E, siyempre dahil nga taga-showbiz naman tayo, sanay tayo ng tsuk-tsuk na ang dami-daming ano! Siguro, naiirita sa akin dito sa ospital. Parang… ‘Ano ba 'yan?! Ang ingay-ingay sa kuwarto na' yan!’ Ha! Ha! Ha! Ha! Gustung-gusto ko sanang magpadalaw, kaya lang, bawal talaga.”
PHOTO/S: Jerry Olea
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results