PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Singer-actress maraming projects dahil sa padulas ng manager

Talent manager, nagbibigay ng padulas sa mga talent coordinator.
by Noel Orsal
Published Jul 26, 2022
actress to sue tabloid
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan

How true na kaya pala madalas magka-project ang singer-actress sa isang major TV station ay dahil madalas inaabutan ng manager nito ang mga talent coordinator at casting director sa nasabing istasyon?

Ang buong akala pa naman namin ay magaling talaga ang singer-actress na ito kaya nabibigyan ng projects, pero yun pala ay may abutang nagaganap sa loob.

Kapag may mga bagong project na teleserye sa kilalang network ay nakaabang na ang talent manager at panay na ang padulas nito sa kung sino man ang naka-assign na talent coordinator o casting director para maisama ang mga talent nito.

Sa totoo lang, hindi patas ang labanan na ito para sa ibang artists na talaga namang magagaling. Lalo na sa mga baguhang gustong sumikat at magkapangalan sa industriya at wala pa namang kinikita para maglagay sa mga casting director na naminihasang tumanggap.

Payo pa nga raw ng manager ng singer-actress sa kapwa niya manager ay maglagay rin ito para mabigyan ng project o maisama ang talent sa gagawing teleserye.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para malaman kung totoong may ganun ngang nangyayari sa loob ng network ay nagtanung-tanong kami sa ibang kakilala na nagtatrabaho rito at sa ilang artista na talent ng network.

Ang nakakalungkot, kinumpirma nila ito at sinabing matagal na raw ang ganitong kalakaran.

Kung alam lang ng pamunuan ng network ang nangyayaring lagayan sa loob ay malamang sipain nito palabas ang mga tumatanggap na talent coordinator o casting director.

Kilala pa naman ang network na patas at hindi mapanglamang. Pero dahil sa mga tauhan nito na nagpapa-under the table ay nasisira ang imahe nila. Hay!

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
ILLUSTRATION: Jeremiah Idanan
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results