PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

AJ Raval posts bikini video amid persistent pregnancy rumors

AJ Raval posts bikini snaps days after someone "confirmed" her pregnancy.
by Arniel C. Serato
Published Jul 26, 2022
AJ Raval posts bikini snaps amid pregnancy issue
AJ Raval titillates fans over super sexy two-piece bikini Instagram Reel.
PHOTO/S: Courtesy: @ajravsss on Instagram

Muli na namang kiniliti ni AJ Raval ang imahinasyon ng netizens sa bago nitong post sa Instagram ngayong Martes, July 26, 2022.

Sa kanyang Instagram Reel, ibinahagi ni AJ ang isang maiksing video na kuha sa dagat.

Kitang-kita ang kanyang kaseksihan sa suot niyang two-piece white bikini.

Wala siyang caption sa post pero sa video, ang unang makikita ay ang isang pusong iginuhit kasunod na ang kanyang larawan sa dalampasigan.

Hindi rin malinaw kung kailan at saan ito kuha.

View this post on Instagram

A post shared by Aj Raval (@ajravsss)

Ibinahagi ito ni AJ ilang araw matapos lumabas ulit ang ingay na nagdadalantao umano siya sa anak nila ng napapabalitang nobyo niyang si Aljur Abrenica.

Nitong nakaraang July 20, muling itinanggi ni AJ ang tsismis na siya ay buntis.

Kasabay nito, sinabi niya sa entertainment reporter na si MJ Marfori ng Frontline Pilipinas ng TV5 na walang katotohanan ang muli na namang paglitaw ng balita.

Ang kinumpirma lang niya ay nagpositibo siya sa COVID-19.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Read: AJ Raval nagpositibo... sa COVID-19; muling itinangging buntis siya

Ilang buwan na ang tsismis na buntis si AJ pero pinaninindigan nitong walang katotohanan ang isyu.

Muling nabuhay ang isyung buntis si AJ dahil sa "kumpirmasyon" ng veteran entertainment writer na si Cristy Fermin sa kanyang YouTube show noong nakaraang July 19, base sa ulat ng Cabinet Files.

“Totoo po na nagdadalang-tao si AJ Raval,” ang walang question mark na pahayag ni Fermin sa kanyang YouTube show, ang Showbiz Now Na.

“Yung paninindigan tungkol sa pagkakaanak, alam ko, lalaking-lalaki si Aljur. Kaya niya ‘yan. Pananagutan niya ang kanilang produkto ni AJ.

“Umamin si AJ sa ating source, umamin na nagdadalang-tao siya.”

Hamon pa ni Cristy kay AJ: “Kung hindi ka talaga buntis, magpainterbyu ka nang live. Yung makikita namin talaga yung tiyan mo na flat.

“Pagtanaw ng utang na loob yun sa mga sumuporta sa mga unang proyekto niya.

"Kumbaga, yung tinatawag nating sukli, ibinabalik dapat ng artista yun, kasi namuhunan ng suporta ang publiko."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naniniwala si Cristy na mga lumang litrato ang inilalabas ni AJ sa social media para pagtakpan ang tunay na kalagayan nito.

Reaksiyon naman ng ama ni AJ na si Jeric Raval: deadma.

Kasama raw kasi sa buhay ng mga artista ang mga intriga.

Ayon naman sa ina ni AJ na si Alyssa Alvarez sa isang cryptic post sa Facebook, “Mabuhay po tayo ng mapayapa na walang pakialam sa buhay ng iba.”

Read: Mga magulang ni AJ Raval, may reaksiyon sa balitang buntis ang sexy star

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
AJ Raval titillates fans over super sexy two-piece bikini Instagram Reel.
PHOTO/S: Courtesy: @ajravsss on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results