Labis ang kalungkutan ni Sharon Cuneta ngayong tapos na ang Iconic concert tour nila ni Regine Velasquez sa Amerika.
Mukhang mawawalan na kasi siya ng isang pakpak ngayong pabalik na sa Pilipinas si Regine at maiiwan naman si Sharon sa Los Angeles.
Sa Instagram ngayong Huwebes, July 28, 2022 (oras sa Pilipinas), ipinaramdam ni Sharon ang kanyang pagiging emosyunal sa nakatakdang paglipad pabalik sa bansa ni Regine, na kung tawagin niya ay “Nana.”
Ang masakit pa raw sa kanilang tour, hindi man lang sila nakapag-bonding o nakapamasyal dahil nagkasakit siya.
"Baldado" pa nga kung ituring ni Sharon ang nangyari sa kanya.
Ani Sharon, “My Nana is flying back to Manila ahead of me…
"And because I’ve been sick and baldado (haven’t gotten out of bed since we arrived in L.A. July 25)—bumigay na rin my body—we haven’t really had the chance to go out and just relax together…
“I miss her and will miss her so much more when she leaves…I love you, my Nana. [crying, heart, praying hands emojis]”
View this post on Instagram
Umaasa naman si Sharon na maging matiwasay at ligtas ang biyahe ni Regine pauwi ng bansa.
Aniya, “Goodnight, my Nana…Praying for your safe and restful flight home. I miss you and love you very much. Thank you for a wonderful and extremely happy concert tour!”
View this post on Instagram
Sa comments section, marami ang nag-alay ng dasal para sa mabilis na paggaling ni Sharon.
