AJ Raval flaunts sexy body on IG Live: "Huwag na kayong masyadong nagpapaniwala sa chismis."

by Bernie V. Franco
Jul 28, 2022
aj raval
Sexy actress AJ Raval conducts an Instagram Live this July 28, 2022 and flaunts her sexy body, as if to prove that there is no truth to claim that she is pregnant.
PHOTO/S: @ajravsss on Instagram

Pinagbigyan ni AJ Raval ang hiling ng kanyang followers na mag-Instagram Live at ipakita ang tiyan para patunayang hindi siya buntis.

Ito ay kasunod ng mga bali-balitang nagdadalantao ang sexy actress. Ang aktor na si Aljur Abrenica ang itinuturong ama ng ipinagbubuntis umano ni AJ.

Noong July 19, 2022, sinabi ng veteran entertainment columnist na si Cristy Fermin sa kanyang online show na “kumpirmadong” buntis si AJ.

Pinanindigan ito ni Cristy at hinamon pa si AJ: “Kung hindi ka talaga buntis, magpainterbyu ka nang live. Yung makikita namin talaga yung tiyan mo na flat.”

Read: AJ Raval posts bikini video amid persistent pregnancy rumors

Challenge accepted ang ginawa ni AJ dahil sa halos 10 minutes na IG Live niya ngayong Huwebes, July 28.

Mapapanood na nakaupo sa makeup chair ang aktres at inaayusan ng kanyang hairstylist.

May mga pagkakataong ipinapakita ni AJ ang hubog ng kanyang katawan, na animo’y ipinangangalandakang hindi siya buntis.

Sabi niya, “Shoutout sa inyong lahat. Huwag na kayong masyadong nagpapaniwala sa chismis.

“Tsaka kahit anong gawing eksplanasyon, yung mga galit lang naman ang maniniwala dun.”

aj raval

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ibinahagi ni AJ na nasa set siya ng ginagawang pelikula, ang Us X Her, at may pagkakataon pang hawak niya ang script.

“Lagi niyo na lang akong iniisyu ‘tsaka inaaway. Ayoko na ngang mabuhay sa mundo,” sabi ni AJ sa bandang dulo ng video, sabay tingin niya sa hairstylist at ngumiti para ipahiwatig na nagbibiro lang siya.

“Joke lang,” pahabol niya.

Sa pagtatapos ng video, tinawag si AJ para abisuhang resume na ang shooting, at ipinakita pa sa bandang dulo ang co-star na si Kiko Estrada.

Read: AJ Raval, balik-shooting na; di totoong nagpositibo sa COVID

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Sexy actress AJ Raval conducts an Instagram Live this July 28, 2022 and flaunts her sexy body, as if to prove that there is no truth to claim that she is pregnant.
PHOTO/S: @ajravsss on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results