Medyo gumana ang pagiging komedyante ni Zia Quizon matapos bumuhos ang tanong ng maraming Marites kung saan na ba ang wedding pictures nito.
Halos dalawang linggo na ang nakararaan mula nang ikasal si Zia sa kanyang asawang si Aleksa.
Ngunit, walang lumabas kahit isang litrato man lang na kuha sa kanilang kasal maging sa reception.
Read: Anak nina Zsa Zsa Padilla at Dolphy na si Zia, ikakasal na
Pati ang ina ni Zia na si Zsa Zsa Padilla ay pinutakte rin ng tanong ng netizens kung bakit hindi ito nag-a-upload ng mga larawan sa kasal ng anak.
Bumiyahe pa man din daw ito ng Nis, Serbia para dumalo sa anak ni Zia.
Pero, deadma si Zsa Zsa sa mga tanong ng netizens
Read: Netizens ask Zsa Zsa Padilla about "missing" wedding pictures of Zia Quizon
Kagabi, July 28, ginulat ni Zia ang netizens nang nag-post siya ng picture ng mga kamay nila ng asawa na magkapatong.
Kitang-kita sa larawan ang gold wedding rings nila.
Sa caption, tila biniro pa niya ang mga “Marites" na plural na "concerned" daw sa kanila.
Saad niya, “proof of wife (for all Marites [pl.] “concerned”)”
View this post on Instagram
Sa isa pa niyang post, nagpasalamat si Zia sa kanyang in-laws, sa inang si Zsa Zsa at sa fiancé nitong si Conrad Onglao.
Kasama ni Zsa Zsa na nagtungo sa Serbia si Conrad.
Buong caption niya: “GrATTITUDE [Philippine flag, heart, Republic of Serbia flag emojis]
“(I could never thank you enough)
“[especially to my in-laws, who made all of this possible and to whom I am eternally and inexpressibly grateful]
“[and to my Mama, for always being by my side. And Tito Conrad—now, our Godfather—for always being on her’s]
“zauvek vaša (yours always),
“snajka”
View this post on Instagram
Noong July 10, inulat ng PEP Troika ang tungkol sa nalalapit na kasal ni Zia, alinsabay sa paggunita ng ika-10 anibersaryo ng kamatayan ng ama nito, ang Comedy King na si Dolphy.
Sa pamamagitan ng isang tulang inalay sa namayapang ama, ipinahiwatig ni Zia ang kanyang nakatakdang pagpapakasal.
