PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Sylvia Sanchez on Arjo-Maine engagement

Sylvia Sanchez to Maine Mendoza: "Thank you for loving my son. Love you 'Nak."
by Arniel C. Serato
Published Jul 30, 2022
Sylvia Sanchez emotional on son Arjo Atayde's engagement to Maine Mendoza
Veteran actress Sylvia Sanchez to Maine Mendoza after son Arjo Atayde's marriage proposal: "I promise that I will take care and love you as my own daughter."
PHOTO/S: Courtesy: @sylviasanchez_a on Instagram

Isa na siguro sa pinakamasayang nilalang sa engagement ni Arjo Atayde kay Maine Mendoza ay ang ina ng aktor at Quezon City First District Representative na si Sylvia Sanchez.

Si Arjo, 31, ay panganay na anak nina Sylvia at Art Atayde.

Noong July 28, 2022, nag-propose si Arjo kay Maine, 27, matapos ang tatlong taon at pitong buwan nilang relasyon bilang magkasintahan.

Read: Maine Mendoza and Arjo Atayde are engaged

Sa Instagram ngayong araw, July 30, tila dinuduyan pa rin sa alapaap ng kaligayahan ang beterana at award-winning actress na si Sylvia.

Labis ang kilig na mararamdaman sa kanyang post.

Hayagan din niyang ipinangako na mamahalin at kakalingain niya bilang tunay na anak ang Eat Bulaga! co-host.

Mensahe ni Sylvia: “He asked Her and She said, YES!!!

“Finally!! Welcome to the family, Maine [heart emoji] Thank you for loving my son.
Love you Nak [face blowing a kiss emojis]

“I promise that I will take care and love you as my own Daughter [heart emoji]

@arjoatayde @mainedcm #Armaine [heart emoji]

“Happy morning [woman dancing, man dancing, woman dancing emojis]”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bumuhos naman sa comments section ang papuri ng ilang celebrities sa pagiging mapagmahal na ina ng aktres.

Sylvia Sanchez happy for son Arjo's engagement to Maine

Sylvia Sanchez happy for son Arjo's engagement to Maine

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

SUPPORT FOR ARJO AND MAINE RELATIONSHIP

Sa mga unang taon ng relasyon nina Arjo at Maine, naghayag na si Sylvia ng kanyang pagsuporta rito.

Pabirong deklarasyon pa niya noong December 2019, “Saka hindi ko pinapakialaman sila ni Arjo. Busy rin ako, di ba?

"So, imbes na pakialaman ko yung love life nilang dalawa, e, pakialaman ko muna iyong bunso ko saka si Gela, di ba? Saka yung pagiging asawa ko.

“Kulang na nga ako sa oras ko, sa pagiging asawa, sa pagiging nanay, pakikialaman ko pa ba yung love life ng mga anak ko? Bahala sila!”

Read: Sylvia Sanchez, ayaw pakialaman ang relasyon nina Arjo Atayde at Maine Mendoza

Sa mga family bonding ng mga Atayde, isa si Sylvia sa mga nagbabahagi nito sa social media kung saan pati siya ay kinikilig sa pagmamahalan nina Arjo at Maine.

Post pa niya noong February 2020: “Yong ang saya lang ng monday morning ko na pinapanood ko ang pamilya ko, mamita pilar, gela at @marjso na tinuturuan ni maine mag tala lahat kami dito sa bahay [smile emoji]

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"Coach @mainedcm thank you [smile emoji] at pinasaya mo kaming lahat sa kakulitan mong mapag tala kami haha ang cute mo maine at mahal ka ng buong pamilya dahil sa kabutihan mo at higit sa lahat nabully mo napahalakhak at napagtala mo ang asawa ko hahaha [hearts and kissmark emojis]

"#family #happiness #blessing #bonding #dancingtala #priceless #goodvibes
#thankuLORD Happy morning [smile emojis]"

Read: Sylvia Sanchez posts Arjo Atayde-Maine Mendoza sweet moment at family bonding

Samantala, wala pang pahayag sina Arjo at Maine kung kailan sila magpapakasal.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Veteran actress Sylvia Sanchez to Maine Mendoza after son Arjo Atayde's marriage proposal: "I promise that I will take care and love you as my own daughter."
PHOTO/S: Courtesy: @sylviasanchez_a on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results