Watch Now

John Lloyd Cruz, Maja Salvador, Miles Ocampo, ex-Kapamilya stars at the #GMAGalaNight

by Bernie V. Franco
Jul 30, 2022
john lloyd cruz maja cristine
A number of the stars who graced the star-studded GMA Thanksgiving Gala are former talents of ABS-CBN. (L-R) Cristine Reyes, John Lloyd Cruz, Miles Ocampo, Maja Salvador, and Beauty Gonzalez.
PHOTO/S: Pau Guevarra / Sany Chua / @beauty_gonzalez

Star-studded ang GMA Thanksgiving Gala na ginanap sa Shangri-La at The Fort Manila, Taguig nitong gabi ng Sabado, July 30, 2022.

Kapansin-pansin ang mga dumating na celebrities na dating Kapamilya stars, na ngayon ay non-exclusive sa isang network o kaya ay nag-transfer na sa GMA Network.

Sabay-sabay na dumating sina John Lloyd Cruz, Miles Ocampo, at Maja Salvador, mga homegrown talents ng ABS-CBN.

Sina John Lloyd at Miles ay talents ng Crown Artist Management, na pinamumunuan ni Maja at ng boyfriend nitong si Rambo Nuñez.

john lloyd cruz

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

(L-R) Thou Reyes, Mikki Gonzalez, John Lloyd Cruz, Miles Ocampo, Maja Salvador, and her boyfriend Rambo Nuñez

Sina John Lloyd at Miles ay magkasama sa Kapuso sitcom Happy ToGETher, habang si Maja at Miles ay co-host na rin sa GMA noontime show na Eat Bulaga!.

Dumating din sa event ang former Kapamilya actress na si Bea Alonzo, kasama ang boyfriend na si Dominic Roque.

Sabay ring dumating sina Billy Crawford at Coleen Garcia, na dating Kapamilya stars din.

Si Billy ay may ongoing na TV5 noontime show, ang LOL, pero kaka-announce lang ngayong Sabado na may gagawin rin siyang game show sa Kapuso network.

billy crawford coleen garcia

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naglakad din sa red carpet sina Beauty Gonzalez, Xian Lim, Marco Gumabao, Myrtle Sarrosa, at Bianca Manalo.

Spotted din si Cristine Reyes na alumna ng StarStruck (2003) batch 1 ng GMA-7 bago ito lumipat sa ABS-CBN noong 2008 at nagkaroon ng projects sa TV5.

Ang ilan pang artistang dumalo sa #GMAGalaNight na nakilala noon sa ABS-CBN ay sina Richard Yap, John Lucas, Marco Gallo, Thou Reyes, Luke Conde, at Rayver Cruz.

richard yap

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Richard Yap

HOT STORIES

Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
A number of the stars who graced the star-studded GMA Thanksgiving Gala are former talents of ABS-CBN. (L-R) Cristine Reyes, John Lloyd Cruz, Miles Ocampo, Maja Salvador, and Beauty Gonzalez.
PHOTO/S: Pau Guevarra / Sany Chua / @beauty_gonzalez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results