Engaged na ang dating Kapuso actress na si Ynna Asistio sa kanyang boyfriend na si Bully Carbonell.
Sa kanyang latest Instagram post ngayong Linggo, July 31, 2022, inanunsiyo ni Ynna ang good news kalakip ang mga litrato na kuha nang mag-propose ang nobyo sa kanya.
Kapansin-pansin ang pamumugto ng mga mata ni Ynna dahil napaiyak siya sa sobrang kaligayahan.
Base sa Instagram post ni Ynna, nag-propose sa kanya si Bully sa Blue Ocean Bohol Beachfront Resort habang sila ay nagbabakasyon.
Present dito ang kanyang malalapit na kaibigan at pamilya.
Caption ni Ynna (published as is), "Ilan taon ako ng benta ng engagement ring and wedding ring. Lagi ko tinatanong sarili ko kelan kaya ako?. eto na yun.
"In HIS TIME . IN HIS PERFECT TIME. Salamat Mahal ko! Salamat sa pagmamahal Salamat at tinupad mo ang pangarap ko i love you so much Dub!"
Nagpasalamat din siya sa kanyang pamilya sa kanilang pagsuporta.
CELEBRITY REACTS
Agad na bumuhos ang congratulatory messages mula sa showbiz colleagues ni Ynna kabilang si Patrick Garcia at asawa nitong si Nikka, Kitkat, Arlene Muhlach, at Kaye Abad.

Si Ynna Asistio ay anak ni Nadia Montenegro kay Boy Asistio Jr.
Sa ngayon ay wala pang inilalabas na eksaktong petsa kung kailan magaganap ang pag-iisang dibdib nina Ynna at Bully.
Ganunpaman, masaya ang mga kaibigan at mga tagasuporta ni Ynna sa bagong kabanata ng kanyang buhay.
