PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Yul Servo on junked ABS-CBN franchise renewal

Yul hopes ABS-CBN can fix issues surrounding its franchise renewal.
by Melba R. Llanera
Published Aug 1, 2022
Yul Servo, ABS-CBN
Yul Servo's stand on ABS-CBN franchise renewal: “Nung una sumuporta ako [sa ABS-CBN], tapos may nakita nga na dapat ayusin. Pero siyempre ako, love ko iyan, e... Ako naman bahagi ako ng industriyang ito. Masakit para sa akin, pero minsan kailangan mong lumayo. Ako naman, kung magiging maayos, ako pa ang manliligaw sa aking mga congressman."
PHOTO/S: Jerome Ascano / Yul Servo Facebook

Ang aktor na si Yul Servo ang isa sa 70 kongresista na bumoto ng “yes” para ibasura ang renewal ng prangkisa ng ABS-CBN noong 2020.

READ: ABS-CBN Corporation franchise renewal timeline

Pero ayon kay Yul, kung maitatama ng ABS-CBN ang lahat ng nagawa nitong “violations,” kahit siya raw ang manligaw sa mga kongresista na sakop ng Maynila ay gagawin niya para lang magkaroom muli ng prangkisa ang dating broadcast giant.

Si Yul ay nagsilbing third district representative ng Manila mula 2016-2021. Ngayon ay nanunungkulan siya bilang vice mayor ng siyudad.

Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Yul sa launching ng Juanetworx, na ginanap sa Club Filipino noong July 21, 2022.

Pahayag ni Yul: "Siyempre gusto kong makabalik sila [ABS-CBN].

"Nagkaroon lang ng pag-uusap na ganun [junked franchise], pero ako, kahit wala sila sa ere, yung asawa ko laging ABS-CBN ang pinapanood.

“Napapanood pa naman namin sila. At kung magkakaroon ng pagkakataon na maging maayos, bakit hindi?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nung una sumuporta ako [sa ABS-CBN], tapos may nakita nga na dapat ayusin. Pero siyempre ako, love ko iyan, e."

Tila ipinahiwatig ni Yul, na isang aktor bago pumasok sa pulitika, na hindi personal ang desisyon niya sa botohan sa Kongreso noon.

“Ako naman, bahagi ako ng industriyang ito. Masakit para sa akin, pero minsan kailangan mong lumayo.

“Ako naman, kung magiging maayos, ako pa ang manliligaw sa aking mga congressman.

"Anim yung congressman dun sa Kongreso dahil anim yung distrito namin [sa Manila]. Yung dalawa naman dun, nakasuporta naman."

Dagdag pa niya: "Sana nga maayos [ng ABS-CBN] para mapanood sila uli ng taumbayan. Tatlo lang iyan [na major networks]—ABS CBN, GMA, TV5."

Nung kasagsagan ng pagkawala ng ABS-CBN sa ere, kabi-kabila ang mga pamba-bash sa 70 kongresista na ibinasura ang franchise application ng ABS-CBN.

Sabi naman ni Yul hinggil sa bashers, “Okay lang, opinyon nila yun, e. Saka siyempre hindi naman nila alam yung nasa sarili ko, di ba? Basta ako, pangarap ko ring makabalik sila [ABS-CBN] uli."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Base naman sa hiwalay na pahayag ni ABS-CBN President Carlo Katigbak noong July 28, 2022, wala pang katiyakan kung isusulong muli ng ABS-CBN ang pag-apply para sa franchise renewal.

Nilinaw ni Katigbak na hindi raw ABS-CBN ang nag-initiate ngayon ng panukala sa Kongreso, kundi ang Makabayan block sa Kongreso.

Tila prayoridad ng ABS-CBN ang iba nitong initiatives pagdating sa partnerships sa ibang TV networks at pagpapalabas ng ABS-CBN content sa iba-ibang digital streaming platforms para manumbalik ang tagumpay ng dating broadcast giant.

READ: ABS-CBN still weighing options about franchise renewal

PRIORITIZING POLITICS OVER SHOWBIZ

Sa kabilang banda, si Yul ay unang nakilala bilang aktor.

Ilan sa nakamit na awards ni Yul: Best Actor sa Brussels International Independent Film Festival para sa Brutus (2008) at Naglalayag (2004); Best Supporting Actor sa Cinemalaya para sa Brutus (2008); at Best Supporting Actor sa FAMAS para sa Rosario (2010)

May tsansa bang bumalik siya sa paggawa ng isang serye o pelikula?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Sagot niya, "Siyempre nakaka-miss umarte, yun ang pinaka first love natin. Pero kumporme, pag may nakiusap siguro, kasi may mga kaibigan naman ako maski dati pa.

“Yung mga estudyante, dati mahilig akong tulungan yung sa short film nila. Yun talaga binibigyan ko ng oras, nung mga panahong indie-indie pa. Maski red wine lang, okay na.

“Pero sa ngayon kasi, malaki ang expectations sa akin ng mga kababayan ko. Gusto ko muna na kung paano ako nagtrabaho, gusto ko munang gawin yun sa buong Maynila na walang makakasagabal.

“Pag okay na ako, pag kaya ko, makikita ninyo na lang na tatanggap na ako.”

Sa oras na handa siyang bumalik sa pag-arte, dagdag ni Yul, “Sa akin naman wala akong pipiliin. Pag artista ka naman, pag binigyan ka, kailangang pag-aralan mo.

“Sa larangan naman ng pag-arte, lahat pumupurol, kailangang mag-practice. Pag ganun, mag-i-stage play muna ako para ma-practice.

“Siyempre nakaka-miss yung pag-arte, yun ang pinaka-first love natin, e.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Desisyon daw niyang isantabi ang acting career kahit noong kongresista siya.

Paliwanag ni Yul, "Dati mayroon [offers] pero kasi nagpokus ako sa Congress. Kasi nung nasa Congress ako, M-W-F ang taping tapos T-Th minsan may work pa rin.

“E, ang trabaho kasi sa Congress, Monday, Tuesday, Wednesday, Thursday kaya sagasa.

“Ayoko naman na magse-set ako na ‘heto ang schedule ko’ kaya nag-focus muna ako sa pagiging public servant, at maganda naman ang kinalabasan."

HOT STORIES

ON HOW BEING A CELEBRITY HELPED HIM win elections

Aminado si Yul na malaking tulong ang pag-aartista niya para manalo siya sa eleksyon.

"Actually, hindi lahat, pero malaking tulong kasi yung 50 porsiyento ng pagpapakilala sa taong bayan, sa mga constituents ay nagawa na namin bilang artista,” saad niya.

Pero diin din ni Yul, “Ang singkuwenta porsiyento namin ay kung paano namin iko-convert yung pagkakakilala namin sa isang boto. Kailangan may boto para mahalal ka, at di porke't artista ka ay iboboto ka na nila, kailangang pagtrabahuhan mo yun."

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Labis ang pasasalamat ni Yul sa tiwalang ibinigay sa kanya ng mga taga-Maynila na naglulok sa kanya bilang bise alkalde.

"Masaya dahil yung pinaghirapan natin, yung pinagtrabahuhan natin ng 15 years ay inani natin ng eleksyon.

“Pinagkatiwalaan ako ng mga taga-Maynila, isang malaking karangalan na ako ang maging pangalawang ama sa lungsod ng Maynila kaya masayang-masaya at proud ako sa sarili ko na makamit ko ito.

“Hindi ko naman sasayangin yung tiwala na binigay nila sa akin. Pagkapanalo, trabaho na.

“Pero siyempre bagong posisyon, aalamin muna natin, gagamayin natin ang trabaho.

“Nanghingi ako ng paumanhin sa ating mga staff dahil sa mga batang Maynila na nagpupunta sa opisina. Dati isang distrito lang ang hawak ko, ngayon anim na distrito na."

ON BEING MANILA VICE MAYOR

Tumakbo si Yul sa ilalim ng Aksyon Demokratiko, na siya ring partido ni former Manila Mayor Isko Moreno, na kumandidato pero natalo sa pagkapresidente.

Paano ang adjustment ni Yul sa transition mula sa pagiging congressman noon at vice mayor ngayon?

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Tugon niya, “Actually, hindi naman mahirap. Dati na naman ako nasa City Council bilang councilor ng tatlong termino. Pero mas mahirap nga lang ngayon kasi ako na ang magpre-preside sa 38 na councilors.

“Mabigat, pero dahil kaming lahat ay magkakasama… Kasi parang majority nanalo kami, e. Yung 36 na councilors, 34 ang nanalo, at yung dalawang nanalo na iba ang partido, kami din naman ang sinuportahan.

“Nakikita ko sa City Council na mas mabilis. Pero sa unang araw namin, pangalawang araw ng session namin, may pag-uusap na kaagad, may discussion na, may debate.

“Nakakatuwa talaga na ang mga konsehal natin, masisipag. Pursigido na suportahan ang administrasyon ni Mayor Honey Lacuna.”

Tinanong din si Yul kung nanghinayang siyang hindi nanalo sa pagkapresidente si Isko Moreno na nakasama niya sa paglilingkod noon sa lungsod ng Maynila.

Saad niya, "Siyempre ako naman, bilang kilala siya, nanghinayang ako. Di siya pinalad.

"Pero may dahilan ang Panginoon. May nararapat na mas maganda para sa kanya sa panahon ngayon.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Nakita ko magtrabaho si Yorme. Manilenyo ako. Siyempre kung sino ang nakaupo, yun ang susuportahan natin.

“Nakita ko na ibang klase rin naman yung sa Manila. Biruin ninyo, sa tatlong taon sa unang termino niya, ang daming ginawa ng tambalang Isko-Honey na kakaibang disiplina ng paglilingkod sa bayan, kung paano ginagawa ang pagseserbisyo.”

Proud na ibinahagi pa ni Yul ang mga serbisyo ng tambalang Isko at Honey noong nagdaang tatlong taon.

"Nandiyan ang pabahay, yung pabahay na may 40 sqm., talagang na-maximize nila yung lupa. Sa Maynila, talagang punung-puno na kaya pataas na, may 14-story, may 20-story.

“Talaga naman sa tatlong taon nila, mahigit sampung libong pamilya ang nabigyan nila ng pabahay dun sa nagawa na nilang ordinansa sa pabahay.”

Patuloy ni Yul, “Bukod dun yung ospital, kung ano yung pasalidad ng St. Luke's at Makati Med, yun din ang pasalidad na ibinibigay ng lungsod ng Maynila para sa mga batang Maynila.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Yung Baseco, may ospital na silang sarili sa loob, mayroon na rin sila sariling presinto. Naglunsad din sila ng programa.

“Tingnan niyo, sampung palapag na eskuwelahan, lahat naka-aircon, talagang kumpletong pasalidad. Kumpleto ang laboratory, may basketball ball court, at may elevator."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Yul Servo's stand on ABS-CBN franchise renewal: “Nung una sumuporta ako [sa ABS-CBN], tapos may nakita nga na dapat ayusin. Pero siyempre ako, love ko iyan, e... Ako naman bahagi ako ng industriyang ito. Masakit para sa akin, pero minsan kailangan mong lumayo. Ako naman, kung magiging maayos, ako pa ang manliligaw sa aking mga congressman."
PHOTO/S: Jerome Ascano / Yul Servo Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results