Bilang ama, aminado si Jeric Raval na minsan ay nasasaktan siya sa mga batikos na kanyang naririnig para sa anak na si AJ Raval.
Mabuti na lamang daw at wala siyang social media accounts kaya hindi lahat ng bashing ay nakararating sa kanya.
Pahayag ni Jeric sa panayam sa kanya ni Ogie Diaz sa vlog nito na inilabas kahapon, August 1, 2022, “Bilang magulang, hindi mo naman maiaalis yun, na masasaktan ako.
“Sabi ko nga, hindi ko na lang binabasa, hindi ko iniintindi kaya wala. Kasi, parang kasama na 'yan, e, pag nag-artista ka.
"Pag nag-artista ka, ready ka diyan. Hindi lahat ng tao matutuwa sa 'yo.
“Ngayon, kung hindi ka ready diyan, hindi para sa 'yo ‘tong trabaho na ‘to.”
Mainit pa ring pinag-uusapan ngayon ang hindi mamatay-matay na isyu tungkol sa diumano’y pagbubuntis ni AJ, at si Aljur Abrenica diumano ang ama ng dinadala nito.
Ayon kay Jeric, tinanong niya si AJ kung bakit hindi nito sinasagot ang isyung buntis siya. Sabi raw ni AJ, nagsawa na ito kasasagot.
Pabiro pang sabi ni Jeric tungkol dito: “Tsaka kung buntis, e, di mabuti, at least hindi pala siya baog.”
Dagdag niya, “Tsaka, ewan ko, ginagawa nilang problema yun pag ang tao buntis. Pag buntis, e, di manganak.
"Ang masama, pag buntis ka, kabuwanan mo na hindi ka pa makapanganak.”
Nitong mga nakaraang araw, idinaan ni AJ sa pagpu-post ng kanyang sexy videos and photos ang sagot sa mga tanong ng netizens tungkol sa diumano’y pagdadalantao niya.
Read: AJ Raval posts bikini video amid persistent pregnancy rumors
"HE'S A GOOD PERSON."
Iniuugnay pa rin hanggang ngayon kay AJ si Aljur.
Ayon kay Jeric, nagkakasalubong sila ni Aljur nitong mga nagdaang buwan at nakapag-usap naman sila.
Ayaw lang daw niyang pagdating sa dulo ay madehado ang anak.
Saad ng dating action star, “Nag-usap na naman kami nang lalaki sa lalaki.
“Sabi ko, 'Tatlong bagay lang ang hihingin ko sa 'yo, anak, kung talagang mahal mo yung anak ko. Iayos mo muna yung buhay mo, iayos mo muna yung sarili mo.
“'Lahat nasa ayos, lahat nasa lugar. So whatever happens, hindi naman lumitaw na disgrasyada yung anak ko.
“'Babae yung anak ko ‘tol, may anak ka rin.'
"Na-evaluate ko naman siya, mabait naman. He’s a good person.”
Samantala, aminado si Jeric na hanggang ngayon ay hindi pa rin niya suportado ang pagpaimbulog ng anak sa sexy films.
Saad niya, “Ang totoo niyan, hindi ko siya sinusuportahan sa mga ganung klaseng pelikula.
“E, ako nga action star ako, kapag pinanood mo yung aking pelikula, wala akong torrid kissing scene, e. Wala akong nakatalikod na litaw ang wetpaks.”