Masaya at proud na ibinahagi ng content creator at Miss Q&A 2018 second runner-up na si Lars Pacheco ang kanyang sex reassignment surgery (SRS).
Read: Lars Pacheco apologizes after drawing flak for "sexualizing" BTS member V
Sa kanyang vlog sa YouTube noong July 30, 2022, na may titulong "SRS Journey at Kamol Hospital," ibinahagi ng trans woman beauty queen ang kanyang karanasan bago sumalang sa SRS surgery noong July 29, sa Kamol Cosmetic Hospital sa Bangkok, Thailand.
Ang procedure na ginawa kay Lars ay tinatawag na SRS-PPV (sexual reassignment surgery-penile peritoneal vaginoplasty). Ito ang pinakabago at itinuturing na most advanced SRS technique para sa gender confirmation surgery.
Ang Kamol Cosmetic Hospital sa Thailand ang kaisa-isang hospital sa buong mundo na gumagawa nito.
Bago sumalang sa surgery ay sumailalim muna siya sa antigen test at consultation. Hanggang sa dumating ang araw ng kanyang operasyon.
Sabi ni Lars sa umpisa ng kanyang vlog, "We are here in Bangkok, Thailand, and I check-in at K Garden Hotel, so today is July 27.
"I'm here in Bangkok, Thailand because I'm scheduled for SRS surgery on July 29 at Kamol Hospital."
Dagdag pa niya, "So excited for this journey, and I will share this with you all guys."
Noong July 30 ay nag-post naman si Lars sa Instagram ng kanyang litrato habang nakahiga sa hospital bed at may hawak na bouquet ng bulaklak, na nagpapahiwatig na tapos na ang kanyang operasyon.
Caption niya: "We all hope for breakthrough rebirth moment. I am woman."
Sa comments section ay bumuhos naman ang pagbati at suporta ng mga fans at kaibigan para sa kanyang panibagong simula.
Kabilang sa nag-iwan ng komento ang beauty queens na sina Miss Grand International 2016 first runner-up Nicole Cordoves at Bb. Pilipinas International 2022 Nicole Borromeo.

