Alfred Vargas admits to being "betrayed" by some friends during 2022 elections

by Jojo Gabinete
Aug 2, 2022
Alfred Vargas
Alfred Vargas on what he learned from 2022 elections: “Ang tunay na serbisyo still matters. Ang pagmamahal sa bayan still counts. Matinding kalaban ang pera sa eleksyon, pero kung mahal ka talaga ng mga tao at dama nila ang sincerity mo, kahit gaano pa kalaki ang pera, ilalaban ka nila hanggang sa dulo."
PHOTO/S: Alfred Vargas Facebook

Matapos ang siyam na taong panunungkulan bilang representative ng ikalimang distrito ng Quezon City, muling nahalal si Alfred Vargas bilang konsehal naman ng nabanggit na lugar.

Pero ayon sa kanya, walang ipinagbago ang mga responsibilidad at tungkulin niya.

“Actually, wala naman halos nagbago. I’m still a legislator, a policymaker," ani Alfred sa eksklusibong panayam sa kanya ng (PEP.ph) Philippine Entertainment Portal.

“Noong congressman ako, national scope, at ngayong councilor ako uli, local naman. I will continue to work hard and do my best no matter what position pa ‘yan.

“The people elected me for the fifth straight time. They deserve nothing less.”

Hindi itinanggi ni Alfred ang masakit na katotohanang nabawasan ang kanyang mga kaibigan nang bumalik siya sa pagiging konsehal, pero mas marami naman daw ang pumalit.

Lahad ng 40-year-old councilor, “Yes, may mga nabawas tayo na mga kaibigan. Some friends betrayed us during the last campaign. Some of them were unexpected at yun ang masakit. Pero mas nadagdagan tayo ng new friends.

“Actually, ang daming sumuporta sa amin ni PM. Nakita namin kung sino talaga ang mga tunay na kaibigan namin. Naging blessing in disguise pa ang nangyari.”

Ang tinukoy ni Alfred na “PM” ay si PM Vargas, ang nakababatang kapatid niya na nahalal na bagong representative ng fifth district ng Quezon City noong 2022 elections.

READ: Brothers Alfred and PM Vargas receive two bullets; claim death threat politically motivated

Ano ang mga natutunan niya sa nagdaang eleksyon?

Sagot ni Alfred, “Ang tunay na serbisyo still matters. Ang pagmamahal sa bayan still counts.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Matinding kalaban ang pera sa eleksyon, pero kung mahal ka talaga ng mga tao at dama nila ang sincerity mo, kahit gaano pa kalaki ang pera, ilalaban ka nila hanggang sa dulo.

“Ang sarap makasama ng mga Novalenyo nitong nakaraan na eleksyon.”

Malaki ang utang na loob ni Alfred sa entertainment industry dahil malaki ang naitulong ng kanyang pagiging artista kaya matagumpay ang pagpasok niya sa mundo ng public service.

RETURNING TO SHOWBIZ?

Dahil nabawasan na ang kanyang mga responsibilidad, plano ni Alfred na balikan ang pag-arte at mag-produce ng mga pelikula.

“Mas may panahon na ako ngayon para sa mga passion project. Siguro tuwing recess namin sa council, puwede na akong tumanggap ng mga television series at mag-shoot ng pelikula.

“Miss na miss ko nang gumanap uli sa TV at movies. Excited na ako pero kahit ano ang mangyari, priority ko pa rin ang public service.

“Secondary na lang ang showbiz career. Passion na lang talaga siya. My vocation is public service,” sabi ni Alfred.

Mayroon siyang co-production venture sa isang major movie outfit mula pa noong December 2020 na hindi pa natutuloy dahil inuna niya ang pagtugon sa problema ng kanyang distrito sa COVID-19 pandemic.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alfred Vargas on what he learned from 2022 elections: “Ang tunay na serbisyo still matters. Ang pagmamahal sa bayan still counts. Matinding kalaban ang pera sa eleksyon, pero kung mahal ka talaga ng mga tao at dama nila ang sincerity mo, kahit gaano pa kalaki ang pera, ilalaban ka nila hanggang sa dulo."
PHOTO/S: Alfred Vargas Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results