Did Karen Laurrie Mendoza just throw shade at Binibining Pilipinas 2022 results?

by Arniel C. Serato
6 days ago
Iloilo's Karen Laurrie Mendoza spills the tea about Binibining Pilipinas 2022?
Binibining Pilipinas 2022 Top 12 finalist Karen Laurrie Mendoza spills some tea about the pageant on her Instagram Stories today, August 2, 2022.
PHOTO/S: Sany Chua / @karenlaurrie on Instagram

Si Karen Laurrie Mendoza ng Iloilo na nga ba ang susunod na “Sandra Lemonon” ng pageantry world?

Ito ang tanong ng ilang netizens dahil tila nagma-Marites daw ito matapos ang grand coronation ng Binibining Pilipinas 2022 noong Linggo, July 31, 2022.

Si Sandra ang isa sa Top 16 candidates ng Miss Universe Philippines 2020.

Naging kontrobersiyal siya dahil matapos lumabas ang resulta, sunud-sunod ang posts niya sa Instagram at nagbanta pang mag-i-“spill the tea” tungkol sa pageant.

“Spill the tea” ang phrase na ibig sabihin ay maglabas ng gossip o chismis.

Akusasyon ni Sandra, nagkaroon umano ng dayaan sa national pageant noong 2020 kung saan si Rabiya Mateo ng Iloilo ang nagwagi.

Read: Sandra Lemonon not yet done with speaking her "truth"

Samantala, kabilang si Karen sa nakapasok sa Top 12 ng Binibining Pilipinas 2022 ngunit hindi siya nakakuha ng korona at titulo.

Read: Herlene Budol makes it to Top 12 of Binibining Pilipinas 2022

Continue reading below ↓

Sa kanyang Instagram Stories ngayong Martes ng umaga, August 2, nag-post si Karen tungkol sa tanong ng isang pageant page kung sino sa mga kandidata ang nais niyang manalong Bb. Pilipinas International 2022 bukod sa kanya.

Sagot niya, si Gabrielle “Gabby” Basiano ng Borongan City, Eastern Samar.

Repeater ding katulad niya si Gabrielle.

Saad niya (published as is), “I WAS ASK BY A PAGEANT PAGE. IF THERE IS ONE GIRL YOU WOULD LIKE TO WIN THE INTERNATIONAL CROWN ASIDE FROM YOURSELF WHO WOULD IT BE AND WHY?

“MY CO REPEATER @GABBYBASIANO”

Kasunod nito ay nagpahiwatig si Karen na may pagkakamali sa pag-anunsiyo ng winners noong grand coronation.

Aniya, “AND TAKE A GOOD LOOK AT THE NEXT PHOTO.”

Karen Laurrie Mendoza, the new Sandra Lemonon?

Continue reading below ↓

Ang ibinahagi niyang larawan ay ang nag-viral na picture ng lukot na bond paper na may nakasulat na: “17 Globe, 23 Inter cont, 28 international”

Karen Laurrie Mendoza, the new Sandra Lemonon?

May mas malinaw na litratong lumabas mula sa isang page.

Karen Laurrie Mendoza, the new Sandra Lemonon?

Continue reading below ↓

Ang Binibini 17 ay si Chelsea Lovely Fernandez ng Tacloban na nagwaging Bb. Pilipinas-Globe 2022.

Ang Binibini 23 ay si Nicole Borromeo ng Cebu City.

Ang Binibini 28 ay si Gabrielle.

Si Nicole ang hinirang na Bb. Pilipinas-International 2022, at si Gabby ay kinoronahang Bb. Pilipinas-Intercontinental 2022.

Read: Nicole Borromeo of Cebu City crowned Bb. Pilipinas International 2022

NO IRREGULARITIES

Nagkaroon ng pagdududa sa resulta ng Binibining Pilipinas 2022 dahil nagkaroon ng ilang minutong delay sa pag-anunsiyo ng mga host na sina Miss Universe 2018 Catriona Gray at Bb. Pilipinas-Grand International 2016 Nicole Cordoves sa nanalo ng korona at titulong Bb. Pilipinas-International 2022.

Nag-ingay ang live audience ng Binibining Pilipinas sa Smart Araneta Coliseum noong Lunes ng madaling-araw, August 1, dahil sa katagalan ng pag-anunsiyo.

Marami ang naghinalang baka nagkaroon ng pagkakamali sa pagbanggit ng pangalan ng mga nanalo ng korona at titulo.

Nagsalita na si Catriona tungkol sa isyu.

Continue reading below ↓

Sa Facebook post niya kahapon, sinabi nitong masusing tinabulate ng kanilang accounting partner ang resulta ng pageant.

Bago rin nila ito ianunsiyo, tsinek pa raw itong maigi ng SGV & Co. representative.

Saad ni Catriona, "As the hosts of last night’s Binibining Pilipinas 2022, @binibiningnicolecordoves and I announced the winners accordingly based on the titles printed on the individual title cards as these were handed over by SGV & Co. partner and representative, Mr. Ocho.

"As a member of the overseeing committee during the deliberations (as pictured on slide 4 by BPCI Execom member @laraquigaman), Mr. Ocho later rechecked the cards and confirmed that the results previously announced were correct, which became the decisive factor in moving forward with the announcement.

"As former candidates ourselves, we understand what the girls go through and would, therefore—without a second thought—correct any errors, if any were made.

"But as already explained, SGV & Co. partner and representative Mr. Ocho himself confirmed the validity of the results."

Continue reading below ↓

CORNERSTONE ISSUES STATEMENT

Ipinagtanggol din ng Cornerstone Entertainment ang talents nilang sina Catriona at Nicole laban sa mga paratang at batikos.

Nanindigan silang walang pagkakamali ang Binibining Pilipinas 2022 hosts.

Buong pahayag nila: "Cornerstone Entertainment Inc. stands by the announcement of its artists, Catriona and Nicole, who were the hosts of last night's Binibining Pilipinas 2022.

Continue reading below ↓

"The winners announced by the hosts were accordingly based on the titles printed on the cards, which were handed over by SGV & Co. partner and representative, Mr. Ocho.

"Mr. Ocho even rechecked the cards and confirmed that the results announced by the hosts were accurate.

"We hope that this will put to rest any controversy concerning last night's results."

HOT STORIES

We are now on Quento! Download the app to enjoy more articles and videos from PEP.ph and other Summit Media websites.
Read Next
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Binibining Pilipinas 2022 Top 12 finalist Karen Laurrie Mendoza spills some tea about the pageant on her Instagram Stories today, August 2, 2022.
PHOTO/S: Sany Chua / @karenlaurrie on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results