Naghihirap na ba ang isang hunk actor?
Ito ang tanong ng isang make-up artist matapos siyang hiraman ng hunk actor sa set ng sinu-shooting nilang pelikula.
Kuwento ng make-up artist, umorder ang hunk actor sa isang online shopping app ng ilang pirasong energy drink na nagkakahalaga ng P200.
Nang dumating na ang in-order ng hunk actor, lumapit daw ito sa make-up artist at nagsabi kung puwede siyang makahiram ng 200 pesos kung okay lang.
Siyempre, dahil ayaw ipahiya ng make-up artist ang hunk actor at maliit lang naman ang halaga ay pinahiram niya ito ng pambayad sa inorder na energy drink.
Kinagabihan, nang natapos ang shooting ay lumapit naman ang hunk actor sa line producer ng pelikula habang papasakay na ito sa service pabalik ng Maynila.
Tila nahihiya pang tinanong ng hunk actor ang line producer kung puwede siyang mag-cash advance ng halagang 10K.
Mabuti na lang daw at may dalang cash si line producer kaya pumayag ito at pinag-cash advance ang hunk actor.
Nagpasalamat naman ang hunk actor at umalis na sakay ng kanyang kotse.
Gusto na lang naming isipin na gipit lang ang hunk actor noong araw na iyon kaya nangailangan ito ng pera. Besides, halos lahat naman ay nagigipit at hindi ito dapat ikahiya ng hunk actor.