Sa likod pala ng maamong mukha ng baguhang aktor ay ang masamang tabas ng dila nito.
Isang production staff ang hindi na makatiis sa ugali ng baguhang aktor na feeling daw sikat at made na sa showbiz.
Kuwento ng production staff, sa tuwing magkakabiruan ang baguhang aktor at mga kapwa artista ay bukambibig daw nito ang mga salitang "PIM" at "g*g*."
Hindi tuloy maiwasang ikumpara ng production staff ang baguhang aktor sa isang character actor
Madalas daw kabiruan ng baguhang aktor sa set ang isang character actor na kadalasang kontrabida ang roles.
Likas ding palabiro ang character actor pero wala kang maririnig na masamang salita sa kanyang bibig. Hindi raw kagaya ng baguhang aktor na bawat sagot ay may kalakip na pagmumura.
Nasabi tuloy ng production staff na mukhang mas may breeding pa ang character actor na kontrabida sa mga palabas kumpara sa baguhang aktor na may maamong mukha.
Sabi pa ng production staff, dapat may respeto pa rin ang baguhang aktor kahit nagkakabiruan sila ng character actor.
Mabuti na lang daw at hindi napipikon sa baguhang aktor ang character actor na borta pa naman.
Kung kami naman ang production staff, dapat niyang regaluhan ng mouthwash ang baguhang aktor para mabanlawan at bumango ang bibig nito.