Nangako si Mariel Pamintuan na magtatanda siya matapos makatanggap ng matinding batikos dahil sa kumalat na videos kung saan tila hindi siya nag-enjoy sa GMA Thanksgiving Gala.
Ang GMA Gala Night ay ginanap noong July 30, 2022, kung saan imbitado ang daan-daang celebrities na pinangunahan ng Kapuso artists.
Read: Sparkle artist Mariel Pamintuan, trending dahil sa komento tungkol sa GMA Gala Night
Kabilang sa mga imbitado si Mariel, na contract artist ng Sparkle, ang GMA talent management arm at dating GMA Artist Center.
Bago naging Kapuso, nagsimula si Mariel bilang Star Magic artist ng ABS-CBN.
Nag-sorry at nagpaliwanag si Mariel matapos makarating sa kanya ang puna ng netizens.
Kumalat sa social media ang videos niya na kuha sa event, at negatibo ang dating sa netizens ng kanyang mga sinabi tungkol sa event.
Sa isang video, sinabi ni Mariel na nagpapanggap siyang nag-e-enjoy at hindi niya kilala ang mga tao roon at hindi rin siya kilala ng mga ito.
Sa isa pang video kasama ang dalawang Kapuso newbies ay binash nila ang lasa ng pagkain.
“I’M TRULY SORRY”
Sa pamamagitan ng TikTok, nag-sorry si Mariel at nagpaliwanag na hindi niya inasahang mamasamain ng ibang tao ang kanyang “joke.”
“First of all, I want to say that I’m truly sorry and my sincerest apology to all the people I have offended with this video,” simula ni Mariel sa video.
“Nasabi ko po kasi sa video na ito na ‘nagpapanggap lang ako na nag-e-enjoy pero hindi ko sila kilala at hindi rin nila ako kilala.’"
Hindi raw niya intensiyong mang-insulto ng ibang GMA artists.
“That was never my intention and it’s not in my character to insult anyone," sabi niya.
“I did not expect the people will take this seriously because it’s coming from me.”
Rason niya, “Knowing me, if you are watching my videos here on TikTok, it’s all about dumb sarcasm and dumb jokes.”

Magsisilbi raw aral sa kanya ang nangyari at nangakong magiging maingat sa kanyang mga gagawin at ikikilos.
Muli siyang nag-sorry at sinabing, “Next time, hindi ko na ito gagawin.”
Nag-abiso rin si Mariel na tinanggal na niya ang TikTok videos na kuha niya sa gala night.
“I guess I was just too excited and too naïve that I posted those videos.”
Pero kumalat ito dahil ilang netizens ang nag-post nito sa Twitter.
"NAG-ENJOY PO AKO"
Taliwas sa kanyang sinabi sa kumalat na video, sinabi ni Mariel na nag-enjoy siya sa event dahil nakita niya ang kanyang mga idolong artista, katulad nina Heart Evangelista at Marian Rivera.
“So, I really am not sure if I made a bad impression. That was not my intention, never my intention.”
Dagdag ni Mariel, nais niyang maging bahagi ng showbiz industry at pinasalamatan ang mga pumuna sa kanyang pagkakamali.
“I won't do it again. I want to learn from you guys. So, thank you for pointing out and I hope I will make a better impression next time.”
Nag-post din ng komento si Mariel sa artikulong ibinahagi ng PEP.ph sa Facebook tungkol sa isyung kinasasangkutan niya.
Dito ay muli siyang humingi ng paumanhin at nagpaliwanag.
Buong pahayag niya: "I am sorry for those statements, it was an honest mistake and I even mentioned in my other videos that I truly enjoyed the event.
"I was so thrilled, it was memorable for me and I am grateful to GMA that they included me in such a prestigious event. Unfortunately it was taken out of context.
"I just signed a contract with GMA at di po ako pamilyar sa mga social gatherings that's why I said 'Nagpapanggap lang ako na nageenjoy dito di ko sila kilala at di nila ako kilala' as I was trying not to be awkward.
"'Lasang liver spread' Pero yung sosyal na liver spread ha? Sinabi ko nga na naubos ko yung food. Masarap naman.
"Pasensya na simpleng mamamayan lang po ako na gustong mag artista. I didn't mean to insult anyone with my comments.
"I didnt expect that people will take it seriously because it's coming from me. If you watch my Tiktok videos, I always make sarcastic dumb jokes, I am not a serious person. I was just being my cheeky self.
"I am truly sorry if I was careless with my words. I understand why some people were offended.
"This is a lesson for me to be more mindful of my words and actions. I am still thankful that people pointed it out because I want to stay in this industry and I want to learn from you all.
"God bless you all. #proudtobekapuso"
Also read:
- Beauty Gonzalez wears vintage jewelry worth PHP10 million at GMA Thanksgiving Gala 2022
- Bea Alonzo says arriving at GMA Thanksgiving Gala with Dominic Roque is “milestone” for her
- Alden Richards wears PHP5 million watch at GMA Gala Night
- John Lloyd Cruz, Maja Salvador, Miles Ocampo, ex-Kapamilya stars at the #GMAGalaNight
