Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now

Newcomer Alex Castro reveals he was the first boyfriend of Wendy Valdez

by Dinno Erece
Mar 17, 2008
"Okay naman po kami. Kaya lang, pareho kaming nawalan ng time kasi nga nagtatrabaho na siya at ako naman po busy sa school at sa SK," says Alex Castro about his past relationship with Wendy Valdez.


Wendy Valdez's first relationship was with Marilao councilor turned model-actor Alex Castro.

Big revelation ang naganap sa unang presscon ng Manay Po 2: Overload ng Regal Entertainment last week when Alex finally admitted he was Wendy's first boyfriend noong hindi pa sila parehong showbiz.

Wendy, a Binibining Pilipinas Runner-up two years ago and Pinoy Big Brother Season 2 fourth placer, met Alex noong nasa kolehiyo sila. Alex was just a teenager then, an SK (Sanggunian Kabataan) president in Marilao and Wendy returned to college sa Far Eastern University after she stopped schooling kung kaya't nagpang-abot sila. Alex is now 21 years old and Wendy is 25.

"Matagal na po yun," sabi ni Alex sa presscon ng Manay Po 2, when asked kung exactly kailan sila nagkarelasyon ni Wendy.

"SK pa po ako noon. Siya naman po, nagmu-model na. Okay naman po kami. Kaya lang, pareho kaming nawalan ng time kasi nga nagtatrabaho na siya at ako naman po busy sa school at sa SK," kuwento ni Alex.

Continue reading below ↓

Another factor in the split ay nauna na ring nakapagtapos si Alex ng college, leaving Wendy sa school nila.

No one talked about it because no one asked, paliwanag ni Alex nang tinanong siya kung bakit ngayon lang ito lumabas. Hindi rin naman kasi niya ini-expect na magiging artista siya dahil politics talaga ang hilig niya at napasok lang siya sa showbiz via a series of commercials.

Continue reading below ↓
Recommended Videos

Manay Po 2: Overload is Alex's second movie after My Best Friend's Girlfriend.

Read Next
Read More Stories About
Alex Castro, Wendy Valdez
Latest Stories

Are you a showbiz fan na updated sa latest chika? Join the Anong Chika Today? Private page on Facebook for unli-chikahan!

Join Now
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
"Okay naman po kami. Kaya lang, pareho kaming nawalan ng time kasi nga nagtatrabaho na siya at ako naman po busy sa school at sa SK," says Alex Castro about his past relationship with Wendy Valdez.
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results