PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Jaya’s house in the U.S. burned to the ground

Jaya still thankful that her family is safe despite the incident.
by Bernie V. Franco
Published Aug 8, 2022
jaya
Queen of Soul Jaya takes to Instagram to show what's left of their house in the U.S. after it caught fire and was burned to the ground.
PHOTO/S: @jaya on Instagram

Natupok ng apoy ang tirahan ng singer na si Jaya sa Washington, D.C. sa Amerika.

Sa kabila nito, malaki ang pasasalamat ng Queen of Soul na walang nasaktan sa kanyang pamilya.

Ibinahagi ni Jaya sa Instagram kung ano ang naiwan sa kanilang bahay matapos mangyari ang sunog.

Kita sa larawan ang two-story house nina Jaya at halos puro itim ang unang palapag na iniwan ng apoy.

Caption ni Jaya: “God is so good! Our house just burned to the ground but we are all safe! I have no words but GOD IS GOOD!!!”

Walang ibinigay na iba pang detalye si Jaya kaugnay ng insidente.

Sa isang interview noong nakaraang taon, nabanggit ni Jaya na nakakita sila ng isang bahay na mauupahan sa Amerika.

Nagkataon pang bago mangyari ang sunog ay ipinagdiwang nina Jaya ang ika-16 kaarawan ng kanyang panganay na anak na si Sabriya Gotidoc.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Si Jaya ay may dalawang anak sa mister niyang si Gary Gotidoc at isang stepson.

Sunud-sunod ang komento ng mga kaibigan ni Jaya sa industriya, karamihan ay nagpapasalamat na walang napahamak sinuman sa pamilya ng singer dulot ng pangyayari.

Kabilang sa nagpaabot ng mensahe si Sharon Cuneta at kumpare ni Jaya na si Ogie Alcasid.

Kamakailan lamang ay nag-post pa ng larawan si Jaya kasama sina Sharon at Regine Velasquez.

Nagkita-kita ang tatlo sa Amerika kasunod ng concert tour nina Regine at Sharon doon.

Read: Jaya reunites with “friends and idols” Regine Velasquez, Sharon Cuneta in the U.S.

Kasalukuyan pang nasa U.S. si Sharon habang kakauwi lang sa Pilipinas ni Regine.

July 2021 nang lumipad si Jaya at ang kanyang pamilya sa Amerika para roon na manirahan.

Read: Jaya tuluyan nang nilisan ang Philippine showbiz

HOT STORIES

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓
Read Next
Read More Stories About
Jaya, hardcore fans, fire
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Queen of Soul Jaya takes to Instagram to show what's left of their house in the U.S. after it caught fire and was burned to the ground.
PHOTO/S: @jaya on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results