Ikinasal na si Ynna Asistio sa kanyang fiancé na si Waldolf “Bully” Carbonell sa isang intimate civil wedding ceremony na ginanap sa Muntinlupa City Hall kahapon, August 8, 2022.

Ayon sa ulat ng Manila Bulletin, pagkatapos ng civil wedding, dumiretso ang bagong kasal sa Vivere Hotel and Resorts Grand Ballroom sa Alabang para sa kanilang Christian wedding ceremony.

Dagdag pa sa ulat, ang Christian wedding ay pinamahalaan ni Bishop Manny Santiago ng Lifegiver Church.
Ipinagdasal naman ang mag-asawa ni Pastor Jamey Keneth Santiago-Manual, ang tumatayo nilang spiritual leader.
July 31, 2022 lamang inanunsiyo ni Ynna ang engagement nila ni Bully.
Read: Ynna Asistio engaged to non-showbiz boyfriend Bully Carbonell: "BEST DAY EVER!"
Nag-propose si Bully kay Ynna habang sila ay nagbabakasyon sa Bohol. Saksi sa proposal ang buong pamilya ng dalaga.
Noong August 4, 2022, inamin ni Ynna na nagdadalantao siya at malapit na silang ikasal.
Walang pagsidlan ang saya ni Ynna dahil buong akala niya ay diretso kasal na sila ng nobyo bago pa nito pormal na hingin ang kanyang kamay.
Kaya may pa-tears of joy siyang naramdaman sa araw ng proposal.
Lahad niya sa kanyang caption sa Instagram (published as is), “In 4 days I’m getting married. The proposal was really a surprise! [crying emoji] kaya sobrang thankful ako kasi nahabol pa ung proposal bago kami Ikasal ni Bully.
"Dapat wedding lang pero salamat Carbonell Waldolf kasi pinaramdam mo sakin ang feeling ng proposal na ilan taon ko ng pinapangarap [smiling face]
"kaya grabe yung iyak ko na FINALLLLLY! I made it!!! We made it!!! [smiling face]"
Sabi pa ni Ynna sa well-wishers nila ng fiancé: "I appreciate that you all took time out of your busy schedule to congratulate us.
"Thank you for your heartwarming wishes. It means a lot to us! #wefynnallymadeitbully [smiling face] hindi ko kayo maisa isa pero super salamat po!!! @bullyxcarbonellx"
View this post on Instagram
Read: Ynna Asistio goes public about pregnancy, wedding on August 8
