PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Alden Richards excited portraying "suplado" role in Start-Up PH

Alden Richards thankful for working with his idol Bea Alonzo
by Rose Garcia
Published Aug 14, 2022
Alden Richards at GMA Thanksgiving Gala
Alden Richards on his role as Good Boy in GMA-7's adaptation of the popular Koreanovela, Start-Up: “Ang gusto ko po kasi kay Good Boy, kahit gaano siya ka-cold at gaano siya ka-suplado, nandoon pa rin yung heart. Sumisilip-silip pa rin na meron siyang mabuting puso kahit na papaano."
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram

Excited si Alden Richards para sa Start-Up PH, ang kanyang upcoming prime-time series sa GMA Network.

Ito ang una niyang teleserye na isang Korean adaptation.

Kuwento ni Alden sa panayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal), agad niya itong tinanggap nang i-offer sa kanya.

Aniya, “Yes, talagang without question po, tinanggap ko po siya.

"Kasi, Start-Up was a very successful series sa Korea. And now na nabigyan tayo ng opportunity to do an adaptation sa series na ito, it’s a great opportunity.

"And of course, we also want to show everyone kung ano naman ang take ng mga Pinoy sa series na galing sa Korea.”

Bago rin para sa kanya ang gagampanan niyang karakter na si Tristan o "Good Boy." Ang orihinal na gumanap bilang Good Boy ay ang South Korean actor na si Kim Seon Ho.

Na-excite ang Asia's Multimedia Star nang i-offer sa kanya ang role ni Good Boy dahil "something new" daw ito.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Paliwanag ni Alden, “Yung mga roles ko po before, even before The World Between Us, nagsimula kasi ako na kawawang-kawawa, yung laging nagpupursige, siya yung laging inaapi sa simula.

“As opposed sa ngayon po, simula pa lang, masungit na.” At natawa siya.

Dugtong pa ng Kapuso actor, “Ang gusto ko po kasi kay Good Boy, kahit gaano siya ka-cold at gaano siya ka-suplado, nandoon pa rin yung heart. Sumisilip-silip pa rin na meron siyang mabuting puso kahit na papaano.

“Kumbaga, hindi naman siya ganoon kasamang tao. Meron lang siyang problema on how to express yung sarili niya sa magandang paraan.”

working with bea alonzo

Consistent si Alden sa pagsasabi na idols niya sa showbiz sina Bea Alonzo at John Lloyd Cruz.

At ngayon, kapareha na niya si Bea sa Start-Up PH.

Sabi nga ni Alden, “Hindi naman po lingid sa kaalaman ng iba na sobrang fan po ako ng Bea-John Lloyd love team, ever since before pa po akong magsimula sa showbiz.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"At sa totoo lang po talaga, sa kanila lang po akong dalawa na starstruck sa buong buhay ko. Ganoon po ako ka-fan nina John Lloyd at Bea.

"At ngayon nga po na few years after the first time we’ve met, I was given an opportunity to work with my idol. Parang ganoon po ang dating.”

Dugtong pa niya, “Iba rin yung experience. As I go along po sa showbiz, eleven years na po ako nandito, patuloy pa rin po ang pagtupad ni Lord sa mga pangarap ko.

“And ito nga po yun, ang Start-Up PH na nagkaroon po ako ng chance to be paired with Ms. Bea Alonzo.”

lifestyle changes

Sabi naman ng writer ito, parang sa lahat ng teleseryeng ginawa ni Alden ay dito sa Start-Up PH siya pinaka-fit ang katawan.

Sang-ayon naman si Alden dito, at ni-reveal na ang sikreto sa kanyang pagka-fit ay ang kanyang lifestyle change.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Paliwanag ng aktor, “Actually, nag-change po talaga ang lifestyle ko noong The World Between Us. Parang tinanggal ko na po talaga sa isip ko yung magpi-prepare sa isang bagay na alam mong darating.

“Ngayon po, parang mas naging madali para sa akin na baguhin na talaga totally ang lifestyle ko.

"Para in the event, kagaya po nito, may mga proyekto tayo na kailangang paghandaan, kumbaga, yung cramming po nabawasan.

“Saka hindi na po ako napi-pressure kasi, hindi ko na po siya kailangang paghandaan, kasi lifestyle ko na po siya.

"So, yun na po ang ginawa kong changes sa buhay ko ngayon.”

Maganda raw ang naging dulot ng lifestyle change na ito sa kanya.

Sabi pa ni Alden, “Sakto nga po lahat kasi lahat naka-align. Lahat tumutugma. Hindi po ako napapagod, hindi po ako napi-pressure. Hindi po ako nahihirapan at hindi rin po ako feeling deprived.

“Kasi, mas masarap po sa pakiramdam yun. At the same time, hindi po ako masyadong nalulungkot with the journey, with the process of the changing lifestyle na ginawa ko po sa buhay ko.”

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

upcoming U.S. concert SERIES

Kasalukuyan pa ring nagte-taping ang Start-Up PH, pero posibleng may mga maiiwan pa rin na eksena sina Alden at Bea.

Pareho kasi silang aalis ngayong August para sa mga commitments nila abroad.

Si Bea ay mayroong international movie, habang si Alden naman ay may ForwARd, ang kanyang series of concerts sa Amerika.

Ayon kay Alden, “Nakakatuwa lang po kasi, after namin gawin ang ForwARd, ang goal lang po talaga is to really launch the foundation, the AR Foundation po.

“And at the same time, raise awareness to influence people, to help one another.

"And yet, parang ganoon po talaga siya. When you’re doing something good for other people, ang daming darating na bonus. Nagugulat po kami personally.”

Hindi raw talaga niya inakala na may ibang mga producers na magkaka-interes na i-produce pa ang concert hanggang sa ibang bansa.

Kuwento pa ni Alden, “Parang hindi po namin ine-expect na ganoon ang magiging reception ng ginawa po naming concert abroad.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

“Ang galing nga po kasi, nauna po siyang bilhin abroad ng mga producers doon. Eventually, meron na rin mga local producers here na interested to get ForwARd para maipalabas siya rito ng live.

“So sa ngayon po, inuna lang namin ang international show kasi, mas nauna po yun na ma-confirm.

"We’ll see po pagbalik kung meron pa tayong time to accommodate those producers na gustong gawin ang ForwARd and to have it shown live dito po sa atin.”

Sa September ang mga series of concert ni Alden sa U.S., pero ngayong August pa lang ay lilipad na siya pa-Amerika.

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Alden Richards on his role as Good Boy in GMA-7's adaptation of the popular Koreanovela, Start-Up: “Ang gusto ko po kasi kay Good Boy, kahit gaano siya ka-cold at gaano siya ka-suplado, nandoon pa rin yung heart. Sumisilip-silip pa rin na meron siyang mabuting puso kahit na papaano."
PHOTO/S: @aldenrichards02 on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results