Aprubadung-aprubado kay Sandra Seifert ang pakikihalubilo ng anak na si Corinth Ian “Coco” Seifert sa tatay nitong si Cesar Montano at mga kapatid nito sa ama.
Ngayong Martes, August 9, 2022, ibinahagi ni Sandra sa Instagram Stories ang larawan ng anak kasama ang mga kapatid nito sa ama na sina Angelina, Sam, at Chesca Cruz, na mga anak ng aktor sa dati nitong asawa na si Sunshine Cruz.
Makikita ring karga ni Cesar ang anak nila ni Sandra.
Hinango ni Sandra ang larawan sa Instagram post ni Coco.
Walang caption ang dating beauty queen kundi ang pag-tag lamang sa account ng anak.

Anim na taon pa lamang si Coco kaya malinaw na si Sandra rin ang nagpu-post sa ginawa niyang Instagram account ng anak.
Sa account ni Coco, makikita rin ang pagbati niya sa amang si Cesar—na kung tawagin niya ay "Dada"—para sa ika-60 kaarawan nito noong August 1.
Sabi niya sa caption, “Happy Birthday Dada @cesarbuboymontano GOD BLESS YOU!!!”
View this post on Instagram
Sa isa pang post, makikita namang kasama ni Coco si Diego Loyzaga, anak ni Cesar kay Teresa Loyzaga.
Caption ng bata, “With Kuya @diegoloyzaga"
View this post on Instagram
Sa pangatlong post, kasama naman ni Coco ang kanyang mga ate na sina Angelina, Sam, at Cheska.
Ito rin ang ibinahagi ni Sandra sa kanyang Instagram Story.
Talata sa Bibliya ang gamit niyang caption: “For I know the thoughts that I think toward you, saith the LORD, thoughts of peace, and not of evil, to give you an expected end.” — Jeremiah 29:11 #CocosMemoryVerse”
Kumpleto ang siyam na anak ni Cesar sa mga dati nitong nakarelasyon sa kanyang 60th birthday celebration, hudyat na rin na siya ay isa ng senior citizen.
Read: Cesar Montano celebrates 60th birthday "with my children all present"
Sa nasabing selebrasyon, nakilala at nakaharap nang personal ni Coco sa unang pagkakataon ang mga kapatid niya sa ama—si Angela, ang panganay na anak ni Cesar sa yumaong asawa nitong si Marilyn Polinga; ang tatlong anak na babae ng aktor kay Sunshine; at si Diego, ang anak ng aktor kay Teresa.
Pati na sina Liam at Samuel, ang mga kapatid niyang halos kaedad niya at mga anak ni Cesar sa current partner nitong si Maria Socorro "Kath" Angeles.
Read: Anak ni Cesar Montano kay Sandra Seifert, first time makilala ang mga kapatid sa ama
