PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Tim Connor on adultery case filed against him by Victor Consunji

"PLEASE DIRECT YOUR HATRED TO ME AND NOT ANY OTHER PARTY BOTH SIDES.”
by Arniel C. Serato
Published Aug 10, 2022
tim maggie victor
Businessman Tim Connor on adultery case against him and Maggie Wilson filed by Victor Consunji: "I STAND CLEAR WITH THE ADULTERY CASE THAT HAS BEEN FILED AGAINST ME THAT THESE ARE 'UTTER RUBBISH ACCUSATIONS OUT OF ANGER THAT HOLD NO WATER.'"
PHOTO/S: Instagram

Pinalagan muli ni Tim Connor ang kasong adultery na isinampa laban sa kanya at kay Maggie Wilson.

Ang kaso ay inihain sa korte ng estranged husband ni Maggie na si Victor Consunji.

Read: Maggie Wilson, Tim Connor sinampahan ng kasong adultery ni Victor Consunji

Si Tim ay isang British-Thai entrepreneur na ang negosyo ay may kinalaman sa investment at partnership sa real estate, restobars, at start-up companies.

Business partners sila ni Maggie, na dating aktres at kinorinahang Bb. Pilipinas-Wolrd noong 2007.

Ngayong Miyerkules, August 10, 2022, naglabas ng "legal" at “personal” position si Tim ukol sa kinahaharap na kaso.

Noong unang mga araw ng pagsambulat ng adultery case laban sa kanya at kay Maggie, hindi nagbibigay ng tuwirang pahayag si Tim.

Hindi rin daw siya magbibigay ng interview.

Sabi niya noong July 19: "For everyone looking for a reaction or an interview from me... You won't get one.

"I don't stoop so low as to answer complete and utter rubbish accusations out of anger that hold no water.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"(Unless I am required to do so by law of enforcement of that country)."

Read: Tim Connor reacts to "rubbish accusations" against him and Maggie Wilson

Ngunit mukhang nag-iba ang ihip ng hangin ngayong araw, August 10.

Nagbigay na ng pahayag si Tim sa itinuturing niyang “utter rubbish” o basurang kaso na inaakusa sa kanya.

Nilagyan niya ito ng petsang “10TH AUGUST 2022”

Saad niya (published as is), “MY LEGAL POSITION: I STAND CLEAR WITH THE ADULTERY CASE THAT HAS BEEN FILED AGAINST ME THAT THESE ARE 'UTTER RUBBISH ACCUSATIONS OUT OF ANGER THAT HOLD NO WATER.'

“MY PERSONAL POSITION: THIS ABSOLUTE TRAIN WRECK MUST STOP ON BOTH SIDES NOW. WATCHING TWO PEOPLE (ONE I WAS PREVIOUSLY CLOSE TO) TRYING TO HARM EACH OTHER NEVER GETS ANYWHERE IN THE BIGGER PICTURE.

“ALTHOUGH IT WOULD SEEM THERE ARE VERY FEW FRIENDS WHO ARE WILLING TO GET ANYWHERE CLOSE TO THIS ISSUE TO THEMSELVES AVOID CONFLICT, DESPITE ME REACHING OUT."

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Hinikayat niya ang magkabilang kampo na magkaroon ng "diplomatic and pragmatic dialogue."

Para naman sa mga taong ang bisyo ay mag-aabang ng tsismis, siya na lamang daw ang pulutanin sa usapan at huwag ang magkabilang kampo na nag-uumpugan pa sa ngayon.

Dagdag ni Tim: “I WON’T BE LETTING THIS HAPPEN ANY FURTHER AND HAVE ENCOURAGED THE PARTIES TO STOP TEMPORARILY TO MAKE WAY FOR WHAT I HOPE CAN BE DIPLOMATIC AND PRAGMATIC DIALOGUE.

“IF YOU ARE UNHAPPY THAT YOU MAY NOT HAVE GOSSIP OR CHISMIS FOR A FEW HOURS, PLEASE DIRECT YOUR HATRED TO ME AND NOT ANY OTHER PARTY BOTH SIDES.”

Tim Connor releases

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ni-repost ni Maggie ang pahayag ni Tim sa kanyang Instagram Story.

Tim Connor releases

THE ESTRANGED COUPLE'S RIFT

Noong September 2021, inanunsiyo ni Maggie ang hiwalayan nila ni Victor. Maayos daw nila itong napag-usapan para na rin sa kanilang anak na si Connor.

Read: Maggie Wilson, Victor Consunji announce separation

Pero taliwas ito sa mga sumunod na pangyayari.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Naging masalimuot ang pakikitungo nina Victor at Maggie sa isa’t isa nitong mga nakaraang buwan—kalagitnaan ng 2022.

Noong July 15, 2022, pinasok ng mga tauhan ni Victor ang pamamahay ni Maggie nang “no notice, no warrant, and no proper paperwork.”

Sa kanyang Instagram, ibinahagi ni Maggie ang videos na kuha ng kanyang kapatid na babae.

Makikita rito ang mga tauhan ng VCDC at DMCI—mga kumpanyang parehong pagmamay-ari ng real estate mogul na si Victor—na pumasok sa kanyang tahanan kasama ang mga tauhan ng barangay.

Nag-serve daw ang mga ito ng notice para i-padlock ang bahay.

Read: Maggie Wilson appeals for help after estranged husband Victor Consunji allegedly kicked her out of her house

Kasunod namang umalingawngaw ang balitang sinampahan ng kasong pakikiapid ni Victor si Maggie.

Base sa court document na natanggap ng News5, isinampa ni Taguig City Senior Assistant City Prosecutor David Michael Go ang kaso sa Regional Trial Court ng Taguig noong June 30, 2022.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Kasama sa demanda ang rumored boyfriend ni Maggie na si Tim Jayankura Na Ayudha, o mas kilala bilang Tim Connor.

Adultery o paglabag sa Article 333 ng Revised Penal Code ang kasong nakasaad sa kumalat na dokumento na may lagda ni Go, at binanggit ang estranged husband ni Maggie na si Victor bilang "private complainant."

Lumitaw ang mga kopya ng demanda laban kay Maggie ilang oras matapos nitong i0post sa kanyang Instagram ang video tungkol sa diumano’y illegal na pagpasok ng mga opisyales ng VCDC at DMCI sa kanyang tahanan.

Nakasaad sa impormasyon mula sa piskalya ng Taguig City na December 2021, January 2022, at February 2022 ang mga insidente sa Taguig City kunsaan naganap ang pakikiapid umano ni Maggie kay Tim.

Noong July 26, 2022, matapang na sinagot ni Maggie ang aniya'y isa sa mga basehan ng akusasyon ni Victor sa kanya.

Base sa salaysay ni Victor, lumipad daw si Maggie sa Barcelona nang hindi kasama ang mister.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Pinalalabas umano na kinatagpo ni Maggie si Tom sa Barcelona trip na iyon.

Pero kontra ni Maggie, kasama si Victor sa kaisa-isang pagkakataong nakasama niya si Tim sa Barcelona halos isang taon ang nakararaan.

Read: Maggie Wilson breaks silence on Victor Consunji's adultery accusation; shows video of Victor with Tim Connor

Pero hindi tahasang nagbigay ng kanyang malinaw na paliwanag si Tim ukol dito.

MAGGIE EXPOSES VICTOR'S ALLEGED OTHER WOMAN

Ngayong linggo ay si Maggie naman ang naglantad ng relasyon umano ni Victor sa ibang babae.

Sa kanyang magkakasunod na Instagram Stories, umalma si Maggie sa panloloko umano sa kanya ni Victor noon pang 2019.

Napag-alaman ni Maggie noong may relasyon umano si Victor sa isang babaeng mayroong ding asawa.

At kamakailan, nitong 2022, nakakita pa raw si Maggie ng mga litrato ng alleged other woman sa "conjugal home" nila ni Victor.

Ipinahiwatig din ni Maggie na hindi lang isa ang naging kalaguyo umano ng kanyang asawa.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Bilang patunay, ipinost ni Maggie ang ilang litrato ni Victor kasama ang alleged other woman nito.

Umalma si Maggie dahil ang lakas daw ng loob ni Victor na sampahan siya ng kasong adultery sa kabila ng pagkakaroon nito ng ibang babae.

Nagpahaging pa si Maggie na tila ginigipit umano siya ni Victor habang ito ay may kinikitang iba.

Read: Maggie Wilson exposes Victor Consunji's alleged affair with another woman

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Businessman Tim Connor on adultery case against him and Maggie Wilson filed by Victor Consunji: "I STAND CLEAR WITH THE ADULTERY CASE THAT HAS BEEN FILED AGAINST ME THAT THESE ARE 'UTTER RUBBISH ACCUSATIONS OUT OF ANGER THAT HOLD NO WATER.'"
PHOTO/S: Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results