Nag-react sina Ruffa Gutierrez at KaladKaren (o Jervi Li) kasunod ng pagsasabong sa kanila ng netizens.
May kinalaman ito sa naging pahayag nina Ruffa at KaladKaren bilang mga hurado ng "Miss Q and A" segment ng It’s Showtime noong Miyerkules, August 10, 2022.
Sa last round ng gay pageant, sinagot ng dalawang daily finalists ang play time question na: “Kung masipag ang mga langgam, bakit walang napapabalitang umasensong langgam?”
Nasubok ang dalawang contestants kung sino ang makapagbibigay ng sensible answer.
Pinaboran ni Ruffa ang binanggit ng isang contestant na “unity” ang kailangan para umasenso.
Bahagi ng pahayag ni Ruffa: “Unity kasi yun talaga ang kailangan natin ngayon, especially yung mga taong nag-aaway-away laging nagba-bash-bash.”
Sabi naman ni KaladKaren sa contestants: “Yung mga langgam, parang mga tao. Yung mahihirap nating mga kababayan kahit gaano sila kahirap, nagtatrabaho, hindi sila umaasenso because of bad systems, because of so many things na social issues na nao-oppress sila.”
Ang statements na ito nina Ruffa at KaladKaren ay ipinagtapat at ginawan pa ng quote cards ng ilang netizens, dahilan para mag-trend ang dalawa sa Twitter mula kahapon hanggang ngayon.

Kinulayan ng pulitika ng ibang netizens ang sagot ng dalawa at naging diskurso sa social media.
Tweet pa ng iba, “parinig” at “shade” umano ang pahayag ni KaladKaren kay Ruffa.
Narito ang ilang reaksiyon ng netizens:





RUFFA AND KALADKAREN REACT
Pagsapit ng gabi, nag-post si KaladKaren sa FB Story.
Larawan niya ito mula sa It’s Showtime kung saan naka-praying hands siya.
Caption niya, “Love and peace. Good night [heart and rainbow emojis],”
Kagabi rin ay nag-post si Ruffa na binabati si KaladKaren sa kanyang .aarawan.
Ngayong Huwebes, August 11, lumabas muli sina Ruffa at KaladKaren bilang judges sa It’s Showtime.
Si Ruffa na mismo ang nagbanggit ng isyu.
Nag-promote si KaladKaren para sa kanyang upcoming show na Drag Race Philippines at sinabing iimbitahan niya rin si Ruffa.
“[Are you] gonna invite me?” tanong ni Ruffa kay KaladKaren.
“Of course, ikaw pa ba,” sagot ni KaladKaren.
“Baka akala nila magkaaway tayo. They don’t know we’re friends,” sundot ni Ruffa.
Binati pa ni KaladKaren ang kulay pink na blazer na suot ni Ruffa. Pink ang color symbol ni dating vice President Leni Robredo noong May 2022 elections.
“G*ga! Huy, grabe ka, pink is my favorite color,” sabi ni Ruffa.
“Hindi ko iniisyu. Ikaw naman,” sabi naman ni KaladKaren.
Pahabol pa ni Ruffa, “Huy, wala akong alam last night. May date ako until 1:00 a.m. so I only found out this morning na may ganap na pala.”
Kita naman ang lokohan nina Ruffa at KaladKaren bilang patunay na inisyu man sila ay maganda pa rin ang pakikitungo nila sa isa't isa.

