PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

No vendors allowed na sa Virgin Island sa Bohol

...dahil sa overpricing!
Published Aug 12, 2022
panglao beach
Inilabas na ni Panglao Mayor Edgardo “Boy” Arcay ang closure notice sa mga vendors sa Virgin Island, Panglao Beach sa Bohol kasunod ng kontrobersiyang nagbayad ang mga turista ng kinain nilang orders na umabot ng PHP26,000.
PHOTO/S: Facebook / FB (Marisa Robinson)

Tuluyan nang ipinagbawal ang pagtitinda sa Virgin Island sa bayan ng Panglao, Bohol.

Ito ay kasunod ng kontrobersiya kamakailan kaugnay ng diumano’y overpriced na seafood ng mga food vendors sa isla.

Related article: TRENDING: Napakamahal na presyo ng pagkain sa Virgin Island sa Panglao, Bohol

Noong August 1, 2022, ipinost ng isang turista na umabot sa PHP26,000 ang binayaran ng kanilang grupo dahil sa mga inorder na pagkain.

Nakalista lang sa kapirasong papel, hindi official receipt, ang mga inorder ng grupo.

Nag-viral ang post na nakatawag sa pansin ng local officials na agarang kumilos.

Isang tindero naman ang nag-post ng larawan kung gaano karami ang diumano'y kinain ng mga turista na nagreklamo at nag-post.

Iginiit ng tindero na hindi raw overpriced ang kanilang presyo.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Ipinagbawal ng mga opisyal “indefinitely” ang pagtitinda ng may 18 vendors na kasapi sa vendors association na naglalako sa Virgin Island.

Sa ulat ng Philippine Daily Inquirer ngayong August 12, 2022, binanggit na tuluyan nang ipinagbawal ni Panglao Mayor Edgardo “Boy” Arcay ang pagtitinda sa isla.

Inilabas ng alkalde ang closure notice sa mga vendors noong August 3, 2022.

“Tourists come here, not only because of our beautiful beaches, but also because of honest people.

“If food prices are overpriced, no one will visit Panglao again,” quoted si Mayor Arcay sa PDI report.

Noong pansamantalang ipagbawal ang pagtitinda bunsod ng kontrobersiya, sinabi ng mga opisyal na iimbestigahan nila ang pangyayari.

Sa latest report, sinabi ng alkalde na hindi na kailangang i-regulate ang presyo ng mga paninda sa Virgin Island dahil “prohibited” na ang pagtitinda ng mga seafood vendors.

Iginiit din ni Mayor Arcay na ilegal ang operasyon ng mga vendors dahil wala silang business permits.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Para naman kay Bohol provincial administrator Aster Caberte, isa itong wake-up call para sa mga vendors para hindi ma-turn off ang mga turista sa isla ng Panglao sa Bohol.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Inilabas na ni Panglao Mayor Edgardo “Boy” Arcay ang closure notice sa mga vendors sa Virgin Island, Panglao Beach sa Bohol kasunod ng kontrobersiyang nagbayad ang mga turista ng kinain nilang orders na umabot ng PHP26,000.
PHOTO/S: Facebook / FB (Marisa Robinson)
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results