Nag-positive sa COVID-19 ang singer-composer at isa sa mga regular hosts ng It’s Showtime na si Ogie Alcasid.
Nag-post ang mister ni Regine Velasquez sa Instagram nitong August 14, 2022 ng photo ng COVID-19 testing kit na ginamit niya para malaman kung positibo siya sa virus o hindi.

Ang kanyang caption sa kanyang Instagram post: “After two and a half years since the lockdown, today, Aug. 14, 2022, inabot din.
“Let’s do this, Lord.”
Noong August 13 ay may post din siya sa Twitter na nagpapahiwatig na may symptoms siya ng virus.
Ang kanyang tweet: “Woke up with an itchy throat and a hoarse voice. Haaay… Lord, heal me.”
Kinumpirma rin ni Ogie sa Twitter followers na tinamaan nga siya ng virus.
Pinag-iingat din niya ang publiko dahil nagpapatuloy pa rin ang banta ng COVID-19.
Ani Ogie sa kanyang tweet, “Ingat po ang lahat. We test everyday sa work and keep ourselves protected, and yet inabot din.”
Agad namang bumuhos ang mensahe para kay Ogie mula sa kanyang mga kapwa-celebrity at mga kaibigan.
Ang common message nila: magpahinga muna siya at agad na magpagaling.


Get well soon, Ogie.
