Labis ang pagdadalamhati ng Lolong star na si Shaira Diaz sa pagpanaw ng kanyang alagang aso na si Kakay.
Sa kanyang Instagram post ngayong Martes, August 16, 2022, emosyunal na pinasalamatan at inalala ni Shaira ang katapangan ng alaga hanggang sa huli nitong hininga.
Mensahe niya, "Kakay ko, salamat dahil lumaban ka hanggang dulo.
"Kahit ang mga doctor at nurses mo nagulat na nasurvived mo ang surgery at lumaban ka ng isang linggo. Lahat sila pinabilib mo sa tapang at lakas mo kaya proud na proud ako sayo."
Masakit daw para kay Shaira na tanggapin ang pagkawala ni Kakay lalo na't siyam na taon niya itong kasa-kasama.
"Ang sakit sakit na wala ka na ngayon samin pero masaya ako na kasama mo na si Lord dyan sa heaven.
"Ngayon pahinga ka na. No more pain my baby. Run free, my love.
"Maraming salamat sa siyam na masasayang taon. Hanggang sa muli... mahal na mahal ka namin, Kakay.
"Mamimiss ka namin ng sobra. You'll always be our Alpha."
Nauna nang inanunsyo ni Shaira ang pagpanaw ng kanyang alaga, Lunes ng umaga, nang mag-post siya sa Instagram ng mga larawan ni Kakay.
Madamdaming caption ng aktres (published as is), "Durog na durog ang puso ko.
"Mahal na mahal kita Kakay ko...maraming salamat sa masasayang alaala."
Read: Janella Salvador mourns loss of pet dog: "I didn’t just lose a pet—I lost a partner in life."
Read: Jelai Andres bawls over loss of pet dogs: "Bakit naman nilason niyo?"
Nagpaabot naman ng pakikiramay ang ilan sa kanyang kaibigan kabilang na sina Ashley Ortega, Maui Taylor, Barbie Forteza, Marian Rivera, Arra San Agustin, at Jak Roberto.


