Nagbabala si Camille Prats sa publiko laban sa kumakalat na social media post kung saan nag-eendorso umano siya at ang kanyang pamilya ng breakfast cereals at snacks.
Ibinahagi ni Camille sa Instagram noong Martes, August 16, 2022, ang screenshot mula sa Facebook account na nakapangalan sa kanya, kalakip ang reklamo ng isang netizen dahil “expired’ na ang ibinibenta ng nasabing account.
Mariin itong pinabulaanan ng TV host-actress at nilinaw na hindi siya nauugnay sa mga nasabing produkto, gayundin sa tunay na nagbebenta nito.
Pahayag ni Camille: “[I] have been getting a lot of messages about this photo of our family endorsing some snacks and cereals. Guys, THIS IS A SCAM.
“We are not endorsing such products.
“Our [collaborations] with brands are ONLY posted on my official social media platforms and nowhere else.
“These posts have been reported but they keep creating new ones.”
Sa huli, hiniling ni Camille sa kanyang followers na i-report ang pekeng Facebook account para hindi na makapanloko pa ng iba.
Aniya, “Always check if the account is verified before clicking [or] purchasing.
“Let’s all be vigilant in posts like these. Madami ng magaling mag edit at mangbudol.”
