PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Ejay Falcon now engaged to Jana Roxas

Ejay to Jana: "Baby, gusto kita makasama habang buhay."
by Rachelle Siazon
Published Aug 22, 2022
Ejay Falcon, Jana Roxas
Ejay Falcon, a former Kapamilya star who is now a vice governor in Oriental Mindoro, is engaged to girlfriend of six years Jana Roxas.
PHOTO/S: Courtesy of Jan Enriquez

Magkasama habang-buhay.

Ito ang pangako ni Oriental Mindoro Vice Governor Ejay Falcon sa longtime girlfriend niyang si Jana Roxas.

Engaged na ang couple matapos mag-propose si Ejay sa birthday salubong para sa 32nd birthday ni Jana noong Linggo ng gabi, August 21, 2022.

August 22 ang mismong kaarawan ni Jana.

Tanging mga pamilya nina Ejay, Jana, at piling mga kaibigang ang dumalo sa okasyon.

Naroon din si Oriental Mindoro Governor Humerlito "Bonz" Dolor at misis nito pati na isang kasamahan ni Ejay sa Sangguniang Panlalawigan.

Read: Ejay Falcon's dad moved to tears during actor's inauguration as vice governor

Sa gitna ng handaan, idineklara ni Ejay ang pagmamahal para kay Jana at saka lumuhod at inilabas ang engagement ring para sa dalaga.

Sabi ng 32-year-old actor-turned-politician: "Siyempre alam ko birthday mo ngayon, pero ibigay mo naman sa akin ang pagkakataon na ito na ako naman ang may hilingin.

"Baby, gusto kita makasama habang buhay. Will you marry me?"

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Hindi napigilan ni Jana na maging emosyunal habang naguluhang sumagot ng "Yes."

Naghiyawan naman ang guests na lubos ang saya para sa simula ng bagong yugto sa buhay ng couple.

Parehong produkto ng reality shows sina Ejay at Jana.

Si Ejay ay Big Winner ng Pinoy Big Brother Reality Teen Edition Plus ng ABS-CBN noong 2008.

Si Jana ay mula StarStruck Season 3 ng GMA-7 noong 2006.

Six years na silang magkasintahan.

HOT STORIES

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!
Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Ejay Falcon, a former Kapamilya star who is now a vice governor in Oriental Mindoro, is engaged to girlfriend of six years Jana Roxas.
PHOTO/S: Courtesy of Jan Enriquez
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results