PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Lars Pacheco sex reassignment surgery cost

"Tuwing naiisip ko kung paano ko pinag-ipunan yung SRS ko, grabe, sobrang worth it.”
by Arniel C. Serato
Published Aug 22, 2022
Lars Pacheco sex reassignment surgery cost
Netizens jokingly taunt Lars Pacheco for a "keps" reveal after her successful sex reassignment surgery in Thailand.
PHOTO/S: Courtesy: Lars Pacheco on Facebook

Matiwasay na naisagawa at natapos ang sex reassignment surgery kay Miss Q&A 2018 second runner-up na si Lars Pacheco sa Thailand.

Read: Miss Q&A runner-up Lars Pacheco undergoes sex reassignment surgery: "I am a woman."

Ilang araw matapos ang operasyon, nakakalakad na siya at balik na halos sa kanyang mga dating ginagawa.

Sa Facebook live niya noong August 19, 2022 na may pamagat na "Ang mahal magpa-keps (PRICE REVEAL)," ikinuwento ni Lars kung bakit ang sex reassignment surgery (SRS) ang kanyang napiling procedure para maging ganap nang babae.

Nataon ding ito ang ika-22 araw niya matapos sumailalim sa operasyon.

Wika pa niya, kinukulit siya ng kanyang followers at mga kapatid sa LGBTQ community kung magkano ang kanyang nagastos sa buong operasyon.

Sabi niya, “Ang dami kasi nagtatanong kung magkano daw yung nagastos ko for this SRS dito sa Kamol hospital.”

Ang Kamol Cosmetic Hospital sa Thailand ang kaisa-isang hospital sa buong mundo na gumagawa ng sex reassigment surgery.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Dagdag pa ni Lars, ang napili niyang technique sa SRS ay ang penile peritoneal vaginoplasty o PPV.

Paliwanag niya, “Kaya ko siya napiling technique is because unang-una sa lahat, ito yung pinaka-major surgery na gagawin ko sa buhay ko so gusto ko siya na maging pinakabongga, pinaka-expensive.

“Gusto ko yung maganda so yun yung treat ko sa sarili ko kasi, di ba, ito yung once in a lifetime lang na gagawin sa buhay natin kaya naman kailangang pag-ipunan talaga.”

Gusto raw niya ang kalalabasan ng PPV dahil malapit na malapit ito sa mga tunay na babae, kung saan ang vagina ay “nagsi-self lubricate.”

Aniya, “15 centimeters or sex inches ang depth” ng kanyang vagina at hindi namamaho, hindi tulad ng ibang technique na bumabaho.

Sabi pa ni Lars, halos isang milyong piso ang inabot niyang gastos sa pagpapaopera.

Sa unang invoice sa kanya ng ospital noong April, nasa 577,500 Thai baht daw ito o halos P900,911.40.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Total cost na raw ito kasama na ang accommodation sa K Garden Hotel.

Matapos ang operasyon, ang nakita na raw niya sa invoice ay "622,700 Thai baht (all in all) so halos nasa P900K ang inabot ng SRS" o eksaktong P971K.

Ang halaga ng isang Thai baht sa Philippine peso, sa kasalukuyang palitan, ay P1.56.

Pero ayon kay Lars, wala siyang pinagsisihan kung gumastos man siya ng milyon sa kanyang sex reassignment surgery.

“Hindi naman ako nagsisi dahil ngayon pa lang sobrang nakikita ko na na nagsu-subside na yung maga, medyo nakakalakad na din ako and sobrang worth it, grabe, tuwing naiisip ko kung paano ko pinag-ipunan yung SRS ko, grabe, sobrang worth it.”

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Samantala, may mga nakakatuwang komento naman ang ilang netizens sa nasabing Facebook live ni Lars:

Lars Pacheco sex reassignment surgery cost

Lars Pacheco sex reassignment surgery cost

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Natatawa na lang si Lars sa kanila.

HOT STORIES

Read Next
Read More Stories About
Lars Pacheco, hardcore fans
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Netizens jokingly taunt Lars Pacheco for a "keps" reveal after her successful sex reassignment surgery in Thailand.
PHOTO/S: Courtesy: Lars Pacheco on Facebook
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results