Sinagot ni Sunshine Cruz ang isang basher na “g na g” sa aktres dahil ang aktres daw ang dahilan kung bakit naghanap ng iba ang ex-husband nitong si Cesar Montano.
Nagbigay ng kanyang puna ang netizen sa larawang ibinahagi ni Sunshine tungkol sa masayang bonding ng tatlong anak niya kasama si Cesar.
Makikita rin sa larawan na kasama ni Cesar ang bago nitong kinakasamang si Kath Angeles at ang tatlo nilang anak.
Kuha ito sa 18th birthday celebration cum bonding ni Sam Cruz noong August 24.
Kasama rin sa larawan ang panganay na si Angelina at bunsong si Chesca Cruz, na pawang anak ni Sunshine sa ex-husband na si Cesar.
Read: Sam Cruz celebrates 18th birthday with dad Cesar Montano's new family

Sa comments section, tila sinisi ng isang basher ang pagsabak noon ni Sunshine sa "bold movies" kaya naghanap ng iba si Cesar.
Nawalan umano ng gana sa kanya si Cesar kaya sila naghiwalay.
Sabi ng basher: “Bat Kasi nag bold movies Ka sunshine Cruz Kaya na turn off sau si cecar montano ..naghanap tuloy Ng iba”
Kalmado naman itong sinagot ni Sunshine.
Sabi ng aktres sa basher: “You know nothing about our lives. We dont know you kuya. Move on. [laughing in tears emoji]”

Ngayong Biyernes, August 26, magkakaroon ng selebrasyon si Sunshine para sa debut ng anak na si Sam dahil nasa lock-in taping siya noong mismong kaarawan nito.
Kahit annulled na sina Sunshine at Cesar, ginagampanan pa rin nila ang kanilang responsibilidad bilang co-parents sa tatlo nilang anak na babae.
Malayang nakikihalubilo sina Angelina, Sam, at Chesca sa mga anak ni Cesar sa ibang babae katulad ng kuya nilang si Diego Loyzaga, na anak ng aktor sa aktres na si Teresa Loyzaga.
Read: Sunshine Cruz, Teresa Loyzaga react to Cesar Montano’s Father’s Day bonding with his children
