Hindi lamang sina Sunshine Cruz, dating asawang Cesar Montano, at tatlo nilang anak ang natuwa sa kanilang “reunion.”
Kahit sina Teresa Loyzaga at Macky Mathay ay ikinasiya na nagkasama sina Sunshine at Cesar para sa debut ng kanilang anak na si Samantha.
Read: Teresa Loyzaga, Sunshine Cruz react to reconciliation of Diego with dad Cesar
Tatlong babae ang anak nina Sunshine at Cesar: sina Angelina, Sam, at Chesca.
Ginanap ang debut ng pangalawa nilang anak na si Sam nitong nitong August 28, 2022.
Sa isang interview, sinabi ni Sam na naging daan ang birthday niya para muling magkita ang kanyang mga magulang pagkatapos ng matagal na panahon.
Inamin din ni Sam na ngayong 2022 ay unti-unting naaayos ang relasyon nilang magkakapatid sa amang si Cesar.
Read: Sam Cruz on second chance with dad Cesar Montano: “People can change.”
TERESA AND MACKY ON SUNSHINE, CESAR, AND KIDS
Una nang nag-post si Sunshine at ipinahayag na masaya siya na nakaka-bonding ng kanyang mga anak ang ama ng mga ito na si Cesar.
Nakakasama rin ng kanyang mga anak ang mga kapatid nila kay Cesar at maging ang partner ni Cesar na si Kath Angeles.
Nitong Sabado, nag-post ng mga larawan si Sunshine sa IG na kuha mula sa birthday ni Sam, kasama rito ang larawan nila ni Cesar at ang tatlong anak nila.
“In God’s perfect time always,” simpleng caption ni Sunshine.
Nagkomento rito ang mga kaibigang artista ni Sunshine, kasama na rito si Teresa Loyzaga.
“No words can explain. Nothing is impossible,” parte ng komento ni Teresa.
“Prayers are heard so never cease! Happiness to all and more Blessings to come!”
Mensahe niya kay Sunshine: “Im so proud of you!”

Anak nina Teresa at Cesar ang aktor na si Diego Loyzaga, na kasama rin sa birthday ni Sam.
Nag-post din ng pagbati si Macky Mathay, ang current boyfriend ni Sunshine.
Nakadalo rin sa birthday ni Sam si Macky at makikita sa ibang pictures kung saan naroon sina Sunshine, Cesar, at kanilang tatlong anak.
Bakas na masaya rin si Macky na makitang magkasama sina Sunshine, Cesar, at mga anak nila.
Ani Macky, “What happens in life is usually what’s meant to be. His plans.
“Everything happens for a reason and last night’s reason was you @samcruz.”
Mensahe niya pa kay Sam: “You know that I love you already as if you were my own daughter!”

Sunud-sunod din ang pagre-repost ni Macky ng mga video mula sa birthday kung saan makikita pang kumakanta si Cesar kasama ang anak na nag-debut.
