Lahat ng mga pelikulang nagawa ni Direk Joselito "Jay" Altarejos sa loob ng 15 taon niyang pagtatrabaho sa showbiz ay bahagi ng kanyang pagkatao bilang isang alagad ng sining at paglalakbay bilang isang direktor.
Sa presscon ng ALT-R HEREOS: 15 Years of Altarejos Cinema, na ginanap sa Mowelfund compound nung August 20, 2022, sabi ni Direk Jay: “Lahat iyan memorable sa atin. Itong Kasal kuwento tungkol sa infidelity, itong Pink Halo-halo tungkol sa isang bata na ang tatay ay sundalo. My father is a soldier. All of these things walang mas, lahat sila ay pantay-pantay."
Ipinalabas ang Kasal sa 2014 Cinemalaya Film Festival, habang ang Pink Halo-Halo ay sa 2010 Cinemalaya Film Festival.

Naniniwala siya na dapat bigyang halaga ang mga makabuluhang pangyayari sa buhay ng kahit na sino.
“Sa totoo lang celebrating 15 years of film making is not all about me, it's about all of us. Our group 1976 collective, we have new members of the group, so if you want to celebrate that, you want to celebrate our milestone, 15 years of just doing our films.
“Bakit natin siya ise-celebrate? Kasi kailangang maalala yung mga bagay. Sino pa ba mag-aalala niyan? Tayo mismo, kahit sa buhay natin, tayo mismo lang yun.
“Ang mga malalaki, maliliit na milestones sa buhay natin, kailangan nating alalalahanin at i-celebrate.
“Lalo na ngayong panahon na ito na may pagtatangka na baguhin ang kasaysayan. Kailangan nating ikuwento iyan.
"Iyan pa lang may mga binabago na sa kasayasayan so tayo mismo kung anuman ang katotohanan sa atin, tayo mismo we should celebrate it.
“Fifteen years di naman madali. Hindi naman sa pagyayabang there are the films that we've made in fifteen years and mostly independent.
"We have to celebrate it, di tayo nagyayabang pero sinasabi natin, sinasabi ko nga kailangan nating magsikap. These are fifteen years of perseverance."

THE MOVIE THAT JAY IS NOT PROUD OF
May pelikula ba siyang ginawa na hindi kasama sa hanay ng mga ipinagmamalaki niya?
"Mayroon akong unang pelikula, 1999, Kiss Mo Ko. Ikaw tatanungin kita, ang title mo Kiss Mo Ko, would you be so proud of that?" saad ni Direk Jay.
Tampok sa nasabing rom-com film sina Dingdong Dantes, Antoinette Taus, Sunshine Dizon at Polo Ravales.
“I don't like it. It's a copy from the movie Kiss Me by Freddie Prinze Jr. saka yung girl na kulot-kulot that's why Antoinette Taus is kulot-kulot in Kiss Mo Ko. Who would be so proud of it? No one.
“It is not part of my filmography. It's part of my learnings, but what a costly learning because it cost fifteen million during that time.
“Bigyan mo ako ng fifteen million, bibigyan kita ng limang pelikula, tatlong pelikula na magaganda, hindi Kiss Mo Ko.
"Ang title ko talaga diyan Friends In Love. Now 2022, ano ba maganda Kiss Mo Ko o Friends In Love?
"Walang integrity ang Kiss Mo Ko, di ko siya sinasali. It's not part of my filmography, pero bahagi siya ng aking pagkatuto. Yun ang aking film school."
Dagdag pa ni Direk Jay: “That's why I didn't make films after that with Viva. Until yung Lalake Sa Parola na direct to video dapat pero nakitaan na naman nga na kikita tayo dito, e, di ipelikula na natin.
“Ang Kiss Mo Ko, di siya bahagi na aking pag-unlad, pagkatuto lang siya."

REMEMBERING ISHMAEL BERNAL
Binalikang-tanaw rin ni Direk Jay ang karanasan niya with his mentor, ang namayapang mahusay na direktor na si Ishmael Bernal.
Ilan sa mga kilalang pelikula ni Direk Ishmael ay ang Pahiram ng Isang Umaga (1989), Broken Marriage (1983), Himala (1982), City After Dark (1980), and Nunal sa Tubig (1976).
"My very first director was Ishmael Bernal, I was a production assistant.
“But before that, that's why I love celebrating it here in MOWELFUND Film Institute, I was an assistant for a workshop here, PETA. Ang suweldo ko is PHP1,250 for that entire workshop.
“May lecture si Bernal diyan, hahanapin ko pa which the research I did about the contributions of bawat regime na nangyari sa Philippine cinema."
Hindi raw malilimutan ni Direk Jay ang aral na natutunan niya kay Ishmael.
"Bernal is bigger than anyone else. It's more than attending a filmmaking school. The things that I've learned from Bernal, one, is geography. You have to establish your geography sapagkat pag hindi mo alam kung nasan ka, kung nasaang lugar ka, maliligaw ka sa buhay at sa kuwento.
"Pangalawa, sinabi niya yung una mong sequence, kailangan magkakaroon na tayo ng idea kung ano yung pelikula. Siyempre, first sequence iyan, ano ang ibig sabihin nito, kung anu-ano ang mga napapanood natin. Magsyu-shoot na ako what the film is all about, yun yun.
“Pangatlo, sabi niya, kailangan may vision ka. Ano ang gusto nating sabihin? You should go beyond the story, what do you want to say."
MOVIES ABOUT MARCOS FAMILY
Nung kasagsagan ng Maid In Malacañang na dinirek ni Daryl Yap ay may panawagan si Joel Lamangan na gumawa ng pelikula ang ibang direktor base sa kung ano ang pinaniniwalaan nila na totoong naganap nung panahon ng martial law.
May ganito na bang tema ng pelikula na nagawa si Direk Jay?
Sagot niya: "Mayroon na kaming ginawa yung Finding Daddy Blake. It's about a family getting back to power. We shot this in February. Si Gio Alvarez is playing President Noy, si Dexter Doria is playing something to the effect na Imelda.
“We will be showing a special screening on November 30, here in MOWELFUND. This one is not martial-law themed, it’s post-election year. Now Bongbong won and I shot it in February, parang ganun lang siya.
"I have another film also but it's martial law in 1980s, it's called Killing Memories. This is a trilogy, like, Memories In Forgetting, Memories Of A Love Story, and next film is Killing Memories."

