Ni-level up na ba ng volleyball stars na sina Deanna Wong at Ivy Lacsina ang kung anumang merong namamagitan sa kanila?
Matagal nang usap-usapan ng volleyball fans at netizens na hindi lang basta pagkakaibigan ang namamagitan sa dalawang manlalaro.
Sa Instagram kahapon, August 29, ibinahagi ng NU Lady Bulldogs volleyball player na si Ivy ang sweet travel photos nila ng rumored partner na si Deanna, na naglalaro para sa koponan ng Choco Mucho Flying Titans sa Premiere Volleyball League (PVL).
Sabi ni Ivy sa caption: “Go around the world with you my greatest adventure [sparkles emoji]”
View this post on Instagram
Nakakakilig naman ang tugon dito ni Deanna.
Sabi niya sa comments section: “Ur a planet in my galaxy [smiling, sparkles, dizzy, globe emojis]”

Marami namang netizens ang kinilig sa tila ipinagsigawan nilang pag-ibig sa isa’t isa.


Noong July 18, 2022, sa ika-24 kaarawan ni Deanna, isang sweet birthday message ang ibinahagi ni Ivy sa Instagram.
Caption niya sa cute couple photos nila ni Deanna: “Happiest birthday to the best thing that ever happened to me [sparkles emoji] I love you my Adi [heart emoji]"
View this post on Instagram
COMING OUT
Noong June 11, 2022, inamin ni Deanna sa YouTube vlog ng broadcaster na si Karen Davila na nahirapan siyang magpakatotoo tungkol sa kanyang sexual orientation.
Tanong ng TV Patrol anchor kay Deanna: “You’re also admired for your courage, for the authenticity of being you. So, does that mean Deanna you've come out?”
Tugon ni Deanna, “In a way, it says that I haven’t really being straight to the point with it [sexuality], being direct with it.
"But siyempre, siguro I think it says na something na parang, ‘Ito ako, so this is who I am.’
"So, sila na lang ang bahala mag-interpret kung ano yun.”
Paano niya ide-describe ang kanyang sarili? Maituturing ba niya ang sarili na miyembro ng LGBTQ+ (lesbian, gay, bisexual, transgender, queer) community?
Sagot ni Deanna: “Puwede. Yeah, I think, I am naman, kasi LGB... so I can say that I am.”
Read: Volleyball superstar Deanna Wong admits to being a member of "LGB" community
