Tila nakahanap ng isang pamilya si Dave Bornea sa cast ng Apoy Sa Langit.
Kaya naman sa pagwawakas ng top-rating GMA-7 drama series sa Sabado, September 3, 2022, marami raw mami-miss si Dave sa set ni Direk Laurice Guillen.
Paliwanag ng Kapuso hunk, “Everyone from the cast, crew, lahat po kasi sobrang luwag lang. Hindi ko nararamdaman yung pressure...pag nasa labas na kami ng taping, kasi every time na may rest day kami, ano talaga sobrang family talaga.
“Kumbaga nagkikita kami, nagtitipun-tipon kami, there are times na nakasama namin si Direk na kumakain, and then sobrang ano lang talaga, sobrang gaan lang talaga."
Seryosong pahayag pa ni Dave, “And this is the first time na meron kaming ganitong relationship sa lahat ng mga tao: from the cast, from the crew, from the production.
"And sobrang iyon, mararamdaman mo din talaga yung care, yung humility sa isa’t isa, iyon talaga.
“Na alam mo yun, hindi ka outcast, hindi ka ano, we are all a family, parang ganun po.
“For me, itong show na ito, itong buong team na ito, sobrang tagos po sila sa puso ko.”
Nakapanayam ng PEP.ph (Philippine Entertainment Portal) si Dave noong Lunes, August 22, 2022, sa Zoom mediacon na ipinatawag para sa finale week ng Apoy Sa Langit.
LEARNING EXPERIENCE
Bukod sa magandang samahan ng cast and crew sa set, marami ring natutunan si Dave.
Kuwento ng Sparkle artist, “Sobrang generous po when it comes to knowledge, ideas at kung anong puwedeng i-tackle mo in the scenes, iyon po.
"At saka tulungan din po talaga, e, tulungan din po talaga. Walang naiiwan, walang maiiwan, ganun.
"Mas lalo mong gagalingan or mas mamo-motivate ka kasi lahat po sa amin, sa kanila na ginagawa din talaga yung best para magawan ng magandang eksena.
“So iyon po.”
Kahit na supporting role si Dave sa Apoy Sa Langit bilang si Anthony, ang supportive boyfriend ni Ning (Mikee Quintos), mahalaga ang kanyang karakter at ang kanyang mga eksena sa serye.
Marami raw natutunan si Dave sa pagganap niya bilang Anthony.
Aniya, “Ako po, sobrang grateful po ako to be part of this show po...
"And iyon nga po, as my character po, sobrang marami din akong nakukuhang aral when it comes to, kung paano mo ipaglalaban o kung paano ka mag-contribute or mag-ano sa isang relationship."
Nabanggit din niyang "sobrang laking impact" ng show sa masa.
Pagbabahagi niya, “May natawa lang akong ano, gusto kong mag-share, natawa lang ako sa isang experience lang.
"Nasa labas ako and yung mga eksena na yun, iyon yung mga na-comatose si Anthony. Tapos yung mga tao na nakakita sa akin, sinabi nila sa akin, ‘O paano ka nakalabas, e, comatose ka naman?’ Sabing ganun, so, nakakatawa lang.
"Sobrang nakakatuwa lang kasi ang daming mga taong na-hook, ang daming mga taong apektado, ang daming taong sobrang effective yung nagawa namin as an actor sa mga characters namin na ito yung nagiging effect sa mga nanonood.”
Hanggang sa huling linggo nito ay patuloy na namamayagpag sa ratings ang Apoy Sa Langit, na, sa nkasalukuyan, ay Number 1 afternoon drama series sa taong ito.
Tumatabo rin ng six-digit views ang bawat episode ng drama program sa YouTube.
