PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Manny Pacquiao and Chavit Singson bury the hatchet

"Because friendship is stronger than politics."
by Arniel C. Serato
Published Aug 30, 2022
Manny Pacquiao, Chavit Singson kiss and make up
KISS AND MAKE UP. After months of disagreement, former Narvacan Mayor Chavit Singson and former Senator Manny Pacquiao reconcile.
PHOTO/S: Courtesy: @richelle.singson on Instagram

Sa huli ay nanaig pa rin ang pagkakaibigan kaysa sa pulitika.

Ito ang pinatunayan nina former Senator Manny Pacquiao at former Ilocos Sur Governor Chavit Singson sa pagbaon nila sa kanilang alitan.

Read: Chavit Singson, hindi kasama sa mga pinasalamatan ni Manny Pacquiao sa pagreretiro niya sa boxing

Sa Instagram kahapon, August 29, 2022, ibinahagi ng anak ni Chavit na si Ako Ilocano Ako Party List Representative Richelle Singson-Michael ang larawan at video kung saan nagyakapan ang kanyang ama at si Manny.

Hudyat ito ng pagbabati ng dalawang kilalang personalidad.

Caption ni Richelle: “Because Friendship is stronger than Politics. [heart emoji]”

Setyembre noong nakaraang taon, sa pag-anunsiyo ni Manny ng kanyang pagreretiro sa boxing dahil sa pagsabak niya sa 2022 presidential elections, pinasalamatan ni Pacquiao ang lahat ng mga taong naging bahagi ng kanyang tagumpay bilang boksingero.

Halos limampung pamilya at tao ang pinasalamatan ng Pambansang Kamao.

Pero marami ang nagtaka dahil hindi niya binanggit ang pangalan ng businessman at politician na si Chavit, na incumbent mayor pa noon ng Narvacan, Ilocos Sur.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

Matagal at malalim ang pinagsamahan ng dalawa dahil hindi nawawala si Singson sa mga laban noon ni Pacquiao.

Bago pa nito, ikinagulat ng karamihan ang hindi pagsuporta ng seasoned politician sa laban ni Manny kay Yordenis Ugas sa Las Vegas, Nevada noong August 2021.

Bago nangyari ang Pacquiao-Ugas fight, nagsalita si Singson sa Bombo Radyo Philippines tungkol sa hidwaan nila ng kanyang dating kaibigan.

Aniya, "First time kong di nanood, dahil sa paglaglag niya sa akin na wala sa lugar."

Inamin ni Chavit na nagkaroon sila ng hindi pagkakaunawaan ni Pacquiao dahil sa kagustuhan ng senador pa noon na taasan ang buwis sa tobacco industry, na isa sa mga ikinabubuhay ng mga mamamayan ng Ilocos.

“Mag-aral ka muna!” payo ni Singson kay Pacquiao nang tanggihan nito ang pakiusap ng una na huwag dagdagan ang buwis sa tabako.

Para kay Pacquiao, bisyo ang sigarilyo at hindi dapat taasan ang presyo ng bigas at ng mga pagkain kaya tinanggihan niya ang hiling ni Singson.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

Pahayag noon ni Pacquiao: “Kinausap niya ako sa tobacco tax increase. Huwag ko daw ituloy.

"Pero sabi ko, 'Pasensiya ka na. Best friend kita pero hindi kita mapagbibigyan.'"

Sa nakaraang halalan, ang sinuportahan ni Chavit ay ang tandem nina Ferdinand Marcos Jr. at Sara Duterte.

Pumangatlo si Manny sa presidential race.

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
KISS AND MAKE UP. After months of disagreement, former Narvacan Mayor Chavit Singson and former Senator Manny Pacquiao reconcile.
PHOTO/S: Courtesy: @richelle.singson on Instagram
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results