Ibinahagi ni Macky Mathay sa Instagram ang larawan niya habang kinakamayan si Cesar Montano, habang nasa tabi nila si Sunshine Cruz.
Si Macky ang longtime boyfriend ni Sunshine, habang si Cesar ang ex-husband ng aktres.
Nangyari ang pagtatagpo nina Macky at Cesar sa 18th birthday ng pangalawang anak nina Sunshine at Cesar na si Sam Cruz nitong Sabado, August 27.
Read: Teresa Loyzaga, Macky Mathay react to reunion of Sunshine Cruz, Cesar Montano, and their kids
Ang tatlong anak nina Sunshine at Cesar ay sina Sam, Angelina, at Chesca.
Bukod sa handshake photo nila ni Cesar, ipinost din ni Macky ang mga larawan niya kasama ang mga anak ni Cesar, at si Sunshine.
Pagpapahiwatig ito ni Macky na maayos ang pakikitungo nila sa isa’t isa.
Caption dito ni Macky ay ang Bible verse na Psalm 27:14 : “God has perfect timing for everything. Learn to wait on him. This brings Him honor, and it brings you peace.”
Makahulugan din ang reaksiyon nina Sunshine at Sam sa mga larawang ito na ipinost ni Macky.
Tatlong red heart emojis ang komento ni Sunshine, indikasyong pabor siya rito.
Komento naman ni Sam (published as is): “we love you tito macky/father thank you for everything”
Sumagot dito si Macky at tinawag pang “daughter” si Sam.

Sa isang recent interview ay sinabi ni Sam na ngayong taon ay nagsimula muling maging maayos ang relasyon nilang magkakapatid sa kanilang amang si Cesar.
Samantala, isinama rin ni Sunshine ang pagha-handshake nina Macky at Cesar sa mga larawang ipinost niya sa kanyang Instagram account.
