PEP Ka-Loveteam Quiz Banner
×

Rochelle Pangilinan on protecting Sexbomb Girls

"Yung mga away-away kasi ng SexBomb, sa akin normal iyon."
by Rachelle Siazon
Published Aug 31, 2022
Rochelle Pangilinan on SexBomb Girls sisterhood
Kapuso actress Rochelle Pangilinan (left, center on right) on fond memories of her former girl group SexBomb Girls: "Nananapak talaga ako dati para maipagtanggol ang SexBomb, kasi bilang leader at ate nila, kailangan ma-feel nila na safe kami.
PHOTO/S: @rochellepangilinan Instagram / File

Ang pagiging founding member at leader ng all-female group na SexBomb Girls ang naglunsad sa showbiz career ng Lolong star na si Rochelle Pangilinan.

Sa PEP Live noong August 23, 2022, hindi niya itinangging may mga pagkakataong nagkakaroon ng sigalot ang grupo nila noon.

Lalo pa't may panahong umabot sa higit 20 members ang SexBomb Girls, na sumikat sa noontime show na Eat Bulaga.

Mula sa apat na miyembro ng Chicken Sandwich Girls noong 1999, nalunsad ang SexBomb Girls noong early 2000.

Record-breaking ang kanilang afternoon drama soap na Daisy Siete na umere sa GMA-7 mula 2003 hanggang 2010.

Ilan sa early members ng grupo ay sina Mae Acosta-Valdes, Mia Pangyarihan, Aifha Medina-Cheng, Jopay Paguia-Zamora, Mhyca Bautista, Che-Che Tolentino, Aira Bermudez-Inovero, at Natalie Imperial.

Ang grupo ay binuo ng dating dancer na si Joy Cancio.

Kuwento ni Rochelle: "Yung mga away-away kasi ng SexBomb, sa akin normal iyon, e. Kasi, iba-iba kami ng nakalakihan—may Tondo, Navotas, Malabon—so iba-iba kami ng pinanggalingan, normal na mag-aaway kami.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Tapos pagsasama-samahin kami, iba-iba ng character? Mag-aaway-away talaga kami.

"Simpleng bagay—may pinukol ako ng boots, ng bangko," pag-amin ni Rochelle.

Related stories:

Pero iba rin daw ang pagkakaisa nilang mga miyembro lalo na kung mayroon sa kanila ang naaagrabyado.

Balik-tanaw ni Rochelle, "May napaaway kami sa ganitong lugar kasi hinipuan si ganito.

"Bilang leader ng Sexbomb, kailangan mong... Dun ako natuto manapak. Nananapak talaga ako dati para maipagtanggol ang SexBomb, kasi bilang leader at ate nila, kailangan ma-feel nila na safe kami.

"And then, pag lalabas kami and makikisalamuha sa harap ng maraming tao, kailangan alam mo paano protektahan yung mga private parts na dapat mo protektahan."

Ilang beses daw kasing may nahihipuan sa kanila kapag nagsu-show.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"Pag naka-one line kami and then sasalubong kami sa maraming tao, siyempre yung mga kamay nun, bukod sa mga buhok na hinihila hila, yung mga kamay nila kung saan-saan humahawak.

"Minsan nahahawakan namin [yung kamay nila] papunta sa private part.

"Dun kami naging macho."

Palaban siya noon pa lang?

Sagot ni Rochelle, "Hindi lang ako, lahat kami palaban. Palaban talaga kami.

"Lalo na all girls kami. Kailangan kaya naming ipagtanggol ang sarili namin.

"Kasi may ibang SexBomb, after ng show, pagpasok ng van may umiiyak na lang kasi nahipuan sa maselang part. 'Sino?! Sinong humawak sa 'yo?! Natatandaan mo? Anong damit?' 'Hindi ko natatandaan.'

"Ganun talaga hitsura nila [iyak nang iyak]. Next time, paglakad ng panahon, naaaral namin, 'Dapat ganito.'"

STRONG SISTERHOOD

Halos nalibot na raw kasi nila ang buong Pilipinas sa shows nila noon, at may mga lugar na may security concerns.

"Kunwari minsan nag-show sa stage dati, bigla namatay ilaw. Bigla kami nag-compress, nagyakapan kami, nagdasal na lang kami kasi di namin nakikita kung sino kalaban namin.

CONTINUE READING BELOW ↓
NOOD KA MUNA!

"So, nung nag-on na lang ilaw, nakita namin yung mga sundalo nakapalibot sa amin.

"Scary pero laban. Masaya yung experience."

Dagdag pa ni Rochelle, "Wala ako natatandaan na pangit na nangyari and wala akong pinagsisisihan na kung anuman.

"Kasi kung anong nangyari sa past ko, yun ang dahilan kung bakit hanggang ngayon nandito pa rin ako."

UNEXPECTED FAME

Hindi raw akalain ni Rochelle na sisikat nang husto ang SexBomb Girls noon.

Una silang nakilala bilang dancers sa popular na segments ng Eat Bulaga! na "Meron o Wala" at "Laban o Bawi."

Napasikat nila ang novelty songs na "Bakit Papa?," "hSong," "Halukay Ube" at "Pretty Little Baby."

Balik-tanaw pa ni Rochelle, "Pag bumababa kami sa Broadway noon, normal na kakain lang kami sa baba.

"Tapos minsan, pagkakain namin dun, nagkagulo yung mga tao, nagpapa-picture yung mga tao.

"Sumasakay pa rin ako ng jeep, kasi nung panahon na yun wala pa naman ako kotse.

ADVERTISEMENT - CONTINUE READING BELOW ↓

"May pasahero magsasabi, 'Iyan yung sa TV!' 'Hi!' gumaganun lang ako. Nagba-bus lang ako paauwi. Na-enjoy ko."

Hindi raw pumasok sa isip niya ang kasikatan nila noon.

"Bilang di namin in-expect na sumikat, di kami nagpapa-makeup [kung wala rin lang show].

"Wala, sa airport jogging pants at t-shirt lang, may dala pa akong plastic ng mangga. Ganun kakaswal.

"Di man lang kami nakakuha ng glam team. Never ko na-experience. Nung nagsolo na ako, 'Ah, kailangan pala, ganito pala yung artista.'

"Pero kasi kami, wala e. Minsan nga natutulog kami sa audience [area] ng Eat Bulaga, dun kami nakakatulog."

HOT STORIES

Read Next
PEP Live
Featured
Latest Stories
Trending in Summit Media Network

Featured Searches:

Read the Story →
Kapuso actress Rochelle Pangilinan (left, center on right) on fond memories of her former girl group SexBomb Girls: "Nananapak talaga ako dati para maipagtanggol ang SexBomb, kasi bilang leader at ate nila, kailangan ma-feel nila na safe kami.
PHOTO/S: @rochellepangilinan Instagram / File
  • This article was created by . Edits have been made by the PEP.ph editors.
    Poll

    View Results
    Total Votes: 12,184
  • 50%
  • View Results