Mukhang best of friends ang turingan ng dating mag-asawang sina Troy Woolfolk at Michelle Madrigal.
Hindi sila nakitaan ng galit o may hinanakit sa isa’t isa kahit naghiwalay na sila ng landas.
Sa pagpapakilala ni Michelle sa bago nitong boyfriend sa Instagram noong August 22, 2022, nagpakita pa ng suporta si Troy sa dalawa.
Read: Michelle Madrigal’s ex-husband Troy Woolfolk comments on her photo with new boyfriend
Nitong nakaraang Lunes, August 29, nagbahagi naman si Troy sa Instagram ng larawan niya kasama si Michelle, ang anak nilang si Anika Woolfolk, at ang bagong boyfriend ni Michelle.
May kasama rin silang isang batang lalaki at babae na posibleng mga anak ng bagong boyfriend ni Michelle.
Caption ni Troy: “Co-parenting at its finest.”
View this post on Instagram
Sa isang vlog ni Michelle, sinabi nitong ang bago niyang idini-date ay may anak na at hiwalay rin sa asawa.
Sabi niya, “Yes, I started seeing someone recently and I think we’re in a very good place.
"I don’t want to put any label dahil hindi naman importante yun. We have an understanding. I think we’re pretty much on the same page.”
Dagdag pa niya tungkol sa bago niyang idini-date, single parent ito at divorced na rin sa dating asawa.
Maigi na raw ito dahil mahihirapan siyang makikonekta sa isang lalakeng hindi pa isang magulang.
Aniya, “He’s also divorced, he’s got kids. I think it was just a good, I would say, match sa lifestyle ko and sa lifestyle niya.
“And one of the things na natutunan ko after divorce and dating, like, its gonna hard to connect with someone that’s single na walang anak. Obviously kailangang single sila for me to date them.”
Read: Michelle Madrigal introduces new boyfriend four months after divorce
